Cristine Reyes does first screen kiss with Sergio of "Marimar"


After gracing the August 2007 cover of FHM, Cristine Reyes's star shines brightly. From playing kontrabidaroles on TV last year, she is bound for her launching movie this year.


Dumarami anggustong mag-produce ng pelikula for Cristine Reyes.

Masasabingbiggest breakthrough ni Cristine ang pagiging cover girl niya sa FHM. Frombeing one of the original StarStruck Avengers, siya na ngayon ang isa sa fast-rising stars, hindi lang sa TV kundi maging sa movies.

This week,pinasok na si Cristine sa Marimar nina Marian Rivera and Dingdong Dantes sa GMA telebabad bilang si Kim Chan, ang babaeng makikilala ni Sergio—played byDingdong—nang pumunta ito sa Macau for a race trip, leaving Marimar at the mercyof Angelika, played by Katrina Halili.

Sabay na ipapalabas angdalawang malalaking eksena this week, ang isa sa pinaka-unforgettablescenes sa original Marimar ni Thalia, kung saan pinapulot sa kanya ni Angelikaang bracelet sa putik using her mouth. At ang first kissing scene nina Cristine at Dingdong.

"Happy ako na-guest ako sa Marimar," ang text ni Cristine sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"First taping ko noong Tuesday, super attentive akokay Direk Mac (Alejandre) kasi yung eksena ko, kailangan ko ng alalay dahilfirst kissing scene ko. Happy ako kasi alaga naman ako," aniya pa.

Hindi pa nagri-resume ang shooting ng kanyanglaunching movie sa New City Entertainment, kung saan may two-picture deal siCristine. Pero may nakahanda na ring pelikula ang Viva Films para sa kanya, na malamangay idirek ni Gil Portes.

'Yon ang dahilan kung bakit hindi nakapirma siCristine sa Regal Films kasabay sana ng limang StarStruck Batch 4 teens na sina Aljur Abrenica,Prince Stefan, Jewel Mische, Kris Bernal at Rich Asuncion.

Gusto ni Cristine natapusin muna ang dalawa niyang kontrata dahil nakakahiya raw kay Mother LilyMonteverde kung hindi niya ito mabibigyan ng priority. Si Mother Lily ang unangnagbigay ng movie break kay Cristine noon, sa A Beautiful Life na si GilPortes rin ang direktor.

Ngayon, isa paang magpu-produce ng pelikula for Cristine, and she's none other than her sister AraMina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang scriptang binigay ni director Peque Gallaga kay Ara, specifically written for the two sisters. Si Lore Reyes ang magdi-direk ng pelikula at si Ara na raw angmagpu-produce nito nang huli siyang nakausap ng PEP.

"Next year na ito sisimulan, patatapusin ko lang munasiya ng mga napirmahan niyang contracts at ako naman sa festival movie ko," ang sabi ni Cristine.

Nang nabasa niAra ang script, alam niyang mas bida ang character na ibinigayniya kay Cristine. She doesn’t mind this dahil gusto niyang hasain angkapatid niya sa pag-arte.

Nagsimula rinsi Ara sa pagpapa-sexy, starting with Maldita nguni’t isa siya sa mga sexy starsnoon na naka-graduate sa pagpapa-sexy and nag-transform into a multi-awarded actress for the movies Mano Po, Ang Huling Birhen at Minsan Pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN