Concert of "Pinoy Big Brother" Season 1 housemates snubbed by ABS-CBN execs


Reserved seats for ABS-CBN executives, including big boss Mr. Gabby Lopez, remained unoccupied throughout the free concert of Pinoy Big Brother Season 1 housemates at the Araneta Coliseum last September 15.



Almost 80 percent ng capacity ng Araneta Coliseum ang nanood sa free concert ng Pinoy Big Brother (PBB) Season 1 housemates, ang Housemates: Tuloy Pa Rin Ang Buhay sa Mas Pinalaking Bahay last Saturday, September 15. Handog ito ng PBB housemates sa kanilang fans bilang pasasalamat sa kanilang pagtangkilik. Nagsilbing reunion din ang naturang free concert para sa mga housemates na ngayon ay may kanya-kanyang buhay na sa labas ng Bahay ni Kuya after two years.



Pero sa simula pa lang ng show ay kapansin-pansin na ang mga isyu at intriga na bumabalot sa free concert ng mga housemate. Imbes na awitin ang theme song ng Pinoy Big Brother na ang "Pinoy Ako" ng Orange & Lemons, isang bagong komposisyon ang kinanta at sinayaw nila. But after the show, hindi nakatiis ang mga housemate at kinanta rin nila ang "Pinoy Ako" with other PBB housemates ng Season 2 na sina Bodie Cruz at Nel Rapiza.



Kapansin-pansin din ang hindi pagdating ng mga top bigwigs ng ABS-CBN na siyang nagpapalabas ng Endemol-franchised reality show program sa telebisyon. Bago magsimula ang show ay nakita na namin ang mga naka-reserve na first row seats ng mga upuan na nakalaan para sa President and CEO ng ABS-CBN na si Mr. Gabby Lopez, gayundin sa iba pang TV heads ng istasyon tulad ni Lauren Dyogi na siyang in-charge for production ng Pinoy Big Brother.

Patunay lang na inimbita ng mga namamahala ng free concert ang mga executives ng Kapamilya network. Pero nagsimula at natapos ang show, wala ni isa man sa kanila ang dumating.



Sa kabila nito, walang patid ang pasasalamat ng mga housemate kay Mr. Lopez at sa ibang executives ng ABS-CBN.



From a reliable source, napag-alaman namin na hindi pinayagan ang mga namamahala ng concert na gamitin ang titulong Pinoy Big Brother kaya pati ang theme song ng show ay bawal din nilang gamitin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Bukod kay Sam Milby, most applauded ang production numbers ng ex-housemates na sina Franzen Fajardo with Salbakuta, Jason Gainza with Rocksteddy, at Uma Khouny na isang rebelasyon sa kanyang dance number. Paseksihan naman ang labanan ng production numbers nina Nene Tamayo, Cass Ponti, at Chx Alcala na umaming nagkabalikan muli sila ng boyfriend niyang si Love Thadani.



Umani rin ng tilian at palakpakan ang hottest young loveteam ngayon na sina Kim Chiu at Gerald Anderson na nag-promote ng launching movie nila na I've Fallen For You.



Humataw muli sa dance floor ang top finalists sa U Can Dance Season 1 na sina Jenny Miller with AJ Dee, Aaron Villaflor with Aiza Marquez, at ang mag-partner na nagkatulyan in real life na sina Nene Tamayo at mister niyang si Anthony Plamio.



Hanggang sa ending ng show, bonggang-bongga ang production number with the Dawn na inawit ang pasasalamat ng mga housemate sa mga sumuporta at tumangkilik sa kanilang lahat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN