Yasmien Kurdi mesmerized by co-star Maricel Soriano


"May isang eksena kami na magkatapat na magkatapat ang mga mukha namin,hindi ko mapigilang matulala, ang ganda-ganda niya. At ang eyes niya,very expressive," says Yasmien Kurdi (right) about Maricel Soriano (left). The two are co-stars in the movie Bahay Kubo.



Kahapon, September 16, lang nakapag-pictorial for promotion and poster ang Bahay Kubo ng Regal Entertainment sa Valencia office, pero nakaka-four shooting days na ito sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Excited si Yasmien Kurdi for the movie, not just for herself but also for her mother. Diehard fan kasi ng kanyang ina si Maricel Soriano na lead star ng pelikula. Pero hindi pa raw nasasama ni Yasmien ang kanyang ina sa shooting niya.

"Naku, nakakahiya baka puro pictorial with Ms. Maricel ang gawin niya buong araw!" patawang sabi ni Yasmien sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during pictorial break.

Kahit naman daw si Yasmien ay iniidolo rin si Maricel.

"May isang eksena kami na magkatapat na magkatapat ang mga mukha namin, hindi ko mapigilang matulala, ang ganda-ganda niya. At ang eyes niya, very expressive," kuwento ni Yasmien.

Isang eksena ang super proud na ikinuwento ni Yasmien sa mga press, sukdulang nasugatan siya. Bago niya ito ikinuwento, may ipinakita siyang maliit na peklat sa leeg niya. Si Marya raw ang nakagawa nito sa kanya.

"Sa movie kasi, nalaman niya na magpu-pose ako ng sexy kaya binugbog niya talaga ako, hindi lang sabunot. Hinatak-hatak niya ang damit ko. Kung ‘yon daw ba ang gusto kong gawin, maghubad, kaya hindi sinasadyang makalmot ang leeg ko," lahad ng young actress.

Okay lang daw ito kay Yasmien para mas maging makatotohanan ang eksena. Pinuri silang dalawa ni Direk Joel Lamangan after the take at si Maricel naman, puro sorry raw kay Yasmien sa nangyari at siya pa ang nag-asikaso na magamot ang sugat niya.

"Ang sabi ko sa kanya, ‘Okay lang po ito.' Kasi talagang okay naman sa akin. Eksena ‘yon, hindi niya naman sinadya," sabi ni Yasmien.

Nanaig pa rin daw kasi kay Yasmien na isang Maricel Soriano ang nakaeksena niya.

"Alam n'yo ‘yon, yung parang dapat arteng-arte ka na at mangiyak-ngiyak ka na, pero kabado ka pa rin kasi si Ms. Maricel ang makaka-eksena mo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabuti raw at hindi niya nakalimutan ang mga lines niya while doing the shoot.

"Ay, lumaban po ako!" bulalas ni Yasmien. "Kasi sabi ko, chance ko na ito para makaeksena si Ms. Maricel, tapos hindi ko pa gagalingan?" pagtatapos ni Yasmien.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN