Willie Revillame also received copy of MTRCB guidelines for TV hosting


Willie Revillame says he also received a copy of the guidelines for TV hosts, which is being implemented by Consoliza Laguardia, chairman of the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).


Ayaw nang magbigay ng pahayag si Willie Revillame hinggil sa isyung nag-file ng "indefinite leave of absence" si Joey de Leon sa Startalk. Sinasabing nagdesisyon si Joey na umalis dahil nagtampo ito sa ipinadalang memo ng GMA-7 at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ayon sa naunang report na inilathala dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nag-file ng leave si Joey para sa sumusunod na dahilan: "Dahil ang Startalk ay isang talk show, minabuti ko munang [lumiban]. Baka madulas ako, magkamali ako, maapektuhan pa yung show at mga kasama ko."

Inamin naman ni Chairman Consoliza Laguardia na nakipagpulong siya sa adjudication committee ng MTRCB kasama ang ilang opisyal ng GMA-7. Mula sa miting na ito, nabuo ang mga guidelines na gustong ipaalala ni Consoliza sa mga TV hosts, kabilang na ang nasa Kapamilya network.

"May kopya ding ibinigay sa akin ang ABS-CBN management at nabasa ko ang mga guidelines na nais ipatupad ni Chairman [Consoliza]. No comment na lang ako dahil para sa akin, isa nang saradong isyu ang lahat," ang mahinahong pahayag ng Wowowee host sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nakarating na rin kay Willie ang balitang nagbigay din diumano ng pahayag nila sa programang Eat Bulaga kahapon, September 16, ang magkaibigang Joey de Leon at Vic Sotto tungkol sa naturang MTRCB memo-guideline, at nais na lang niyang irespeto ang mga ito.

"Karapatan naman nila yun and they are entitled to that. Basta kami, magpapatuloy na lang sa pagpapasaya ng mga tao, at susubukan naming gawing positibo ang mga natutunan namin sa mga pangyayari," dagdag niya.

Sa kabilang dako, ayaw na ring patulan pa ng ABS-CBN host ang mga kumalat na balitang "flop" ang huling show na ginawa nila sa Amerika, kasama sina Pokwang, Sam Milby, at Piolo Pascual.

"Malinaw sa mga video footages namin ang napakaraming mga taong hindi na nakapasok sa venue dahil wala na silang maupuan. We don't have to explain kung napuno o hindi dahil mas importante yung mga libo-libong tao na nasiyahan, natuwa at nakontento sa anumang ipinalabas namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya kami, masaya din ang mga producers namin, at higit sa lahat, ay masaya ang mga taong nanood sa amin. May mga demands pa sa amin na magkaroon ng shows at pinagpaplanuhan na namin yun. Let's be happy na lang," pakiusap ni Willie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN