Marky Cielo shares "Zaido" lead role with Dennis Trillo and Aljur Abrenica


Marky Cielo was reported to play the lead role in the Philippine version of Shaider, but the project was changed to Zaido: Pulis Pangkalawakan. Marky now shares the title role with Dennis Trillo and Aljur Abrenica.



Nang unang napabalitang nabili ng GMA-7 ang rights ng Shaider sa Japanese owner na Toei Company Ltd., naidikit na agad ang project sa StarStruck 3 Ultimate Sole Survivor na si Marky Cielo with StarStruck 4 winner Kris Bernal playing Annie.

Nakabuo na rin ng casting ang soap with Jay Manalo playing the lead villain at sina LJ Reyes, Iwa Moto, Vaness del Moral, and Arci Muñoz as the Amazonistas.

Pero nabago ang titulo ng naturang proyekto dahil hindi napagamit ang original title na Shaider. Naging Pulis Pangkalawakan ang titulo nito bago nag-finalize ito sa Zaido: Pulis Pangkalawakan. Lumaki na rin ang cast sa pagpasok nina Raymart Santiago at Lorna Tolentino, and finally, it was announced that Dennis Trillo will play the lead role at sina Marky at Aljur Abrenica as his co-stars.

Sa presscon ng Zaido na ginanap sa Studio 3 ng GMA Network kagabi, September 17, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marky kung ano ang pakiramdam niya na from solo lead ay naging one of the lead stars na lang siya sa pagpasok ni Dennis.

"That part pa rin po ako ng show, masaya na ako," sagot ni Marky, who plays the Green Zaido na si Alexis. "Noong una ko pong naririnig ang project at ako nga raw ang magbibida, hindi ko naman ito talaga pinansin. Natuwa po ako na na-consider ako, pero hindi ko talaga ito inisip. Hindi ko po nilagay sa isip ko na sa akin ito. Kaya nang makapasok pa rin ako sa show, masaya na ako."

Bagama't pawang walang sexy image ang tatlong lead stars ng Zaido, makatawag-pansin ang mga body-fit spandex costumes nila.

Kahit sa general question and answer portion, naitanong kung nag-padding ba sila sa costume nila. Lahat sila ay sumagot ng hindi. "What you see is what you get" daw.

Dito namin naitanong kay Marky kung hindi ba siya naku-conscious na baka ang body-fit costumes nila ang pansinin sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon po, naku-conscious na ako!" natatawa niyang sabi. "Pero sabi nga ni Kuya Dennis, ito ang costume namin so wala kaming magagawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN