Raymart Santiago on his family life: "Mas sumaya kasi nadagdagan kami."


Raymart Santiago is very proud to say that he is a hands-on dad to both Sabina and Santino (inset).


Aminado ang aktor na si Raymart Santiago na mas tumibay ang kanilang samahan ng asawang si Claudine Barretto simula nang dumating ang kanilang anak na si Rodrigo Santino.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Raymart kagabi, September 17, sa launching ng bagong GMA-7 telefantasya na Zaido, sinabi ng aktor na hindi naman mahirap mag-adjust sa dahilang nasanay na silang may batang inaalagaan noon pa man sa katauhan ng adopted daughter nilang si Sabina.

"Pareho pa din naman. Ever since dumating si Sabina, doon pa lang naramdaman na namin kung ano 'yong pakiramdam ng may anak. Siguro ngayon, mas sumaya kami kasi nadagdagan kami," nakangiting sambit ni Raymart habang nagpapahinga matapos ang presscon.

Hindi naman daw nakakaramdam ng pagseselos si Sabina, na ngayon ay tatlong taon na, sa pagdating ni Santino. Maganda ang diskarte ng mag-asawang Raymart at Claudine pagdating sa nasabing situwasyon.

Paliwanag ni Raymart: "Ngayon, binibigyan namin ng atensiyon si Sabina dahil siya 'yong mas nakakaintindi. Siya 'yong nakakapag-isip na and 'yong baby, two months hindi pa naman nakakapag-isip. So 'yong selos nandun kung ang atensiyon mo masyadong nasa baby. We make it a point na 'yong atensiyon namin na kay Sabina."

Dahil isa na siyang certified family man, sinabi ni Raymart na mas inspired siyang magtrabaho ngayon.

"Oo naman!" mabilis nitong sagot. "Mas masarap 'yong pakiramdam na alam mo na may napupuntahan 'yong pinaghirapan mo. Sabi nga nila, doon pumapasok 'yong sense of responsibility kapag may pamilya ka nang sarili."

Excited din si Raymart sa bago niyang role sa Zaido. Matagal din kasing nalinya ang mahiyaing action star sa comedy dahil sa mga sitcoms na kinabilangan niya sa bakuran din ng Kapuso network.

"Well, ngayon, parang medyo bad boy ako dito. Kahit paano hindi ganun 'yong characters ko sa pelikula o sa TV. Iyon ang challenge sa akin, maging effective na kontrabida. Okay naman... masaya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Zaido ang ikalawang primetime series ni Raymart, ang una ay ang Narito ang Puso Ko kasama si Jolina Magdangal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN