Breadwinner Kim Chiu takes care of all her siblings' needs


On of the country's most popular young actresses, Kim Chiu shares with PEP her stories as a breadwinner. "Kung ano ang gusto ng mga kapatid ko, ibibigay ko sa kanila. Kasiginagawa ko ‘to para magkaroon ng magandang buhay yung mga kapatid ko," she says.



Hindi na lihim sa showbiz ang pagkakaroon ng broken family ni Kim Chiu. Hiwalay na ang mga magulang ng young actress at iniwan sila ng kanyang ina noong nine years pa lamang siya.

Sa lola sa kanyang father side lumaki si Kim at ang kanyang mga kapatid, samantalang ang ama naman niya ay may iba nang pamilya.

Ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang ang itinuturing ng 17-year-old star na pinakamalungkot na bahagi ng kanyang buhay. Bukod kasi sa hindi niya kapiling ang kanyang mga magulang ay naapektuhan din ang kanyang pag-aaral.

"Hindi mo alam kung makakapag-aral ka o hindi. Malamaman mo lang kapag June na kung babalik kayo sa eskuwela," malungkot na pahayag ni Kim sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikula niya with Gerald Anderson na I've Fallen For You kahapon, September 17, sa ABS-CBN compound.

Pero nagbago ang takbo ng buhay ni Kim nang manalo siya sa Pinoy Big Brother Teen Edition. Isa na siya ngayon sa itinuturing na pinakasikat na young stars sa bansa.

Ngayong kumikita na si Kim ng sarili niyang pera, paano niya hinahawakan ang finances niya?



"Yung kalahati po ng kinikita ko... May savings po kasi ako sa Star Magic, hindi ginagalaw hanggang... Kasi sabi ni Mr. M [Johnny Manahan], aalagaaan daw niya yung pera ko. Kasi ayaw daw niyang magaya sa iba yung kinikita ko na nawawala kaagad kasi kung anu-ano lang ang binibili. Tapos ayun, sabi ni Mr. M, ‘Kung papayag ka, yung kalahati ibibigay ko sa ‘yo, yung kalahati sa akin.' Nasa bangko din po siya. Kung ano yung kailangan ng kapatid ko, ibinibigay ko sa kanila, galing po dun sa kalahati [ng talent fee ko]," lahad ng young actress.



Ang Papa raw ni Kim ang humahawak sa kalahati ng kinikita niya. May nagtanong naman kay Kim kung bakit siya ang tumatayong breadwinner sa pamilya gayong malakas pa naman ang kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Wala po kasi siyang trabaho," diretsong sagot ni Kim. "Nagkakaroon siya minsan pero pasulpot-sulpot lang. Yung sa bigas, sa rice mill. Siya yung parang dealer. Sa Mindoro siya nagtatrabaho. Doon galing yung bigas tapos ipupunta niya sa Bohol, sa Visayas."



May lupa sila sa Mindoro?



"Sa kaibigan niya po ‘yon," paglilinaw niya. "Bale naghanap kasi ng parang katulong mag-deal yung kaibigan niya. Tapos tinatawagan siya pag kailangan siya doon."



Sa kanya rin ba nanggagaling ang perang ipinangtutustos ng tatay niya sa iba nitong pamilya?



"Hindi po," tanggi ni Kim. "Minsan sa akin, minsan hindi. Kasi siyempre nahihiya rin siya sa akin. Alam naman niya na ayoko sa kanila. Sabi ko lang sa kanya, ‘Ang pamilya ko lang ang bubuhayin ko, hindi yung pamilya mo.' Ano naman po ang right ko para ipaaral ko sila? Trabaho na po niya ‘yon."



Hindi ba't mga kapatid pa rin niya ang mga anak ng Papa niya?



"Mga kapatid ko lang," sagot niya. "Kung ano ang gusto ng mga kapatid ko, ibibigay ko sa kanila. Kasi ginagawa ko ‘to para magkaroon ng magandang buhay yung mga kapatid ko."



Ibig bang sabihin, hindi pa rin niya tanggap ang pamilya ng tatay niya?



"Tanggap ko kasi matagal na rin naman 'yon," sagot niya.



Limang magkakapatid sa ina sina Kim. Bukod sa kanila, may tatlo pang anak ang Papa niya sa ibang babae.



"So, lahat kami walo. Tanggap ko naman silang tatlo, pero hindi ko naman sila obligasyon. Pero binibigyan ko rin po sila," ani Kim.



Hindi ba sumasama ang loob niya kapag humihingi ang Papa niya ng sustento sa kanya para sa isa nitong pamilya?



"Hindi naman masyadong malaki ang hinihingi niya kasi may trabaho rin naman yung babae dun. Hindi ko po alam kung ano ang trabaho niya," sabi ni Kim.



Aminado si Kim na noong una ay mahirap para sa kanya na tanggapin ang ibang pamilya ng Papa niya. Pero natuto na rin siya na tanggapin ang katotohanan sa pamilya nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN