Valerie Concepcion: "Wala akong DOM at never akong magkakaroon."


"Hindi naman talaga ako ganung klase ng babae na pumapatol sa isang DOM," Valerie Concepcion retorts to the malicious report that she has a rich elderly benefactor.



Mariing itinanggi ni Valerie Concepcion sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang lumabas na balita na diumano'y may karelasyon siyang DOM (dirty old man).

"Wala akong DOM at never akong magkakaroon," diin niya sa panayam namin sa kanya pagkatapos ng guesting niya sa ASAP '07 last Sunday, September 16.

Ano ang naging initial reaction niya nang marinig niya ang balita tungkol dito?

"Nainis ako, siyempre. Sabi ko, ‘Ano ba ‘yan? Idedemanda ko ang nagsulat niyan, kasi sobrang hindi totoo,'" pag-amin ni Valerie.

"Pero nung pinabasa sa akin ni Tita Mel [Valerie's handler] yung write-up, sabi ko hindi ko puwedeng idemanda yung nagsulat, kasi may question mark. Parang hindi naman niya kinumpirma, parang sinabi niya lang meron daw. Hindi ko talaga alam kung saan nakuha nung sumulat na may DOM ako," sabi ng single mom.

Damay ang manager ni Valerie na si Becky Aguila sa isyu sa kanya. Ayon kasi sa naisulat na artikulo, si Becky pa raw ang siyang "nagbugaw" kay Valerie sa naturang DOM.

"Natawa nga si Tita Becky nung mabasa niya yung write-up," sabi ni Valerie. "Sabi niya, ‘Ano ba naman ‘yan, mukhang wala nang maisulat?' Bakit naman daw siya magiging bugaw? Siyempre, ang iisipin niya lang daw yung kapakanan namin na mga alaga niya, kung paano niya mapapaganda ang mga career namin at hindi yung ikakasama namin ang gagawin niya. And in fairness kay Tita Becky, hindi siya talaga siya bugaw."

Kahit may isa nang anak si Valerie ay maganda pa rin at sexy siya. Kung sinasabi niya ngayon na hindi totoong may DOM siya, paano kung may DOM nga na magkagusto sa kanya at ligawan siya?

"Ay, hindi ko alam ang gagawin ko. Pero siguro hindi naman sila maglalakas-loob na lapitan at ligawan ako dahil disente naman ako, hindi naman ako nanlalandi ng kung sinu-sino!" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siguro, I'll just go straight to the point. I mean, I don't care kung maka-offend ako. Kasi kung ayoko naman talaga, di ba? Kasi hindi naman talaga ako ganung klase ng babae na pumapatol sa isang DOM. So, parang wala talaga akong pakialam kung magalit sa akin yung DOM na mag-o-offer sa akin. Pero I'll reject him talaga, na parang reject talaga, alam n'yo ‘yon?"

Sa ngayon ay zero pa rin ang love life ni Valerie. Nali-link man siya ngayon kay Marco Alcaraz ay kaibigan lang naman daw niya ang binata.

"Best friend ko lang si Marco," giit niya. "Wala naman akong boyfriend, so every time na gusto kong magpunta sa mall or whatever, tapos hindi puwedeng mag-drive ang daddy ko, nagpapasama na lang ako sa kanya [Marco]"

Hindi ba nagpaparamdaman sa kanya si Marco na type siya nito?

"Hindi naman," sagot niya.

Paano kung magparamdam?

"Sa tingin ko hindi siya magpaparamdam sa akin kasi alam naman niya na may iba akong gusto. Alam niya kasi na may nag-iisa akong crush na non-showbiz."

Wala raw manliligaw ngayon si Valerie.

"Maraming lalaking nagti-text sa akin, pero hindi naman sila nanliligaw. May mga nagpapalipad-hangin, nagpaparamdam, pero wala talagang naniligaw," saad ni Valerie.

Regular na napapanood si Valerie sa Wowowee ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN