Anne Curtis returns to work two weeks after her baby sister's death


"I'm okay naman. Siyempre, it's still hard kasi little sister ko ‘yonbut I'm coping. Happy na ako kasi alam ko she's my angel now," says Anne Curtis when asked how is she doing now after her baby sister's death.



Two weeks pagkatapos ilibing ng kanyang baby sister na si Clare ay balik-trabaho na si Anne Curtis sa ASAP '07 last Sunday, September 17. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng show ay sinabi ni Anne na bigyan lamang daw ng dalawa pang linggo at manunumbalik na ang dating masayahin na Anne.



"In two weeks, I'll be back to the normal na ako na makulit, bubbly," sabi niya. "I'm okay naman. Siyempre, it's still hard kasi little sister ko ‘yon but I'm coping. Happy na ako kasi alam ko she's my angel now."

Sa kabila ng paghingi niya ng bakasyon sa kanyang mga trabaho sa ABS-CBN, inaasahan na medyo matatagalan bago makabalik si Anne dahil hindi biru-biro ang pinagdaanan nilang pamilya sa pagkawala ni Clare. Pero nilinaw ni Anne na limang araw lang ang hiningi niya mula sa management bilang bakasyon.

"Nagbakasyon na ako, five days lang siya, just a time out. Parang preparing myself again for the work load. It's also to be expected that people will ask. Kailangan kong mag-gather ng strength and now I'm okay," nakangiting sabi ni Anne.

Ayon kay Anne, sa oras ng kanyang pagdadalamhati ay hindi nawala ang suporta ng mga nali-link sa kanyang sina Luis Manzano at Sam Milby.



"Luis is supportive and Sam is very, very supportive—not only to me but to my family. I'm really thankful for that," saad niya.

Samantala, isang teleserye sana ang pagsasamahan nina Anne at Luis with Zanjoe Marudo sa ABS-CBN, ang Weddings. Pero pinalitan ng model-actor na si Derek Ramsey si Luis sa naturang proyekto. Hindi itinago ni Anne ang kanyang panghihinayang na hindi natuloy ang kanilang pagsasama ni Luis, na huli niyang nakasama sa Kampañerang Kuba.

"Nanghihinayang ako kasi getting the chance to work with Manzano [tawag niya kay Luis] is always a delight to me. I have so much fun working with him. Nanghihinayang ako just like him, but it's management decision. Alangan naman na mag-strike kami ni Manzano sa labas ng ABS dahil di natuloy na magkasama kami?" patawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyan ding ginagawa ni Anne ang pelikula na pinagtatambalan nila ni Aga Muhlach.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN