Paolo Ballesteros says transvestite role in "Zaido" is work, not gay preference


"I feel kasi na I don't need to prove or defend myself sa maramingtao. What they see is what they get at hanggang doon na lang. Pabayaanna lang nila ako sa talagang ginagawa ko. I'm here in this business toentertain people," says Paolo Ballesteros about the gender issue.



Para kay Paolo Ballesteros ay hindi na niya kailangang magdalawang-isip pa para tanggapin ang papel na si Ida, ang transvestite na kalaban ng mga Zaido sa bagong telefantasya ng GMA-7 na Zaido: Pulis Pangkalawakan. Ang Zaido ay hango sa metal hero series na Shaider.



Maraming entertainment press ang natuwa sa hitsura ni Paolo during the press launch of Zaido sa Studio 3 ng GMA Network Center last September 17. Bonggang-bongga kasi ang costume niya bilang si Ida. Mula sa headdress hanggang sa kanyang shoes ay masasabing babaeng-babae si Ida at nadala ito ni Paolo.



"Talagang ni-research ko si Ida sa Internet kasi ang akala ko before ay babae siya. Noong una ko kasing napanood ang rerun ng Shaider, bata pa ako kaya all the while, I thought na babae si Ida.



"Nalaman ko na transvestite pala siya, so bading pala siya talaga na nag-iiba ng anyo. It's a big challenge for me at hindi naman siguro ako kukunin for the role kung alam nilang hindi ko magagawa nang maayos. Ako naman, basta magandang trabaho, paghuhusayan ko," sabi ni Paolo.



Dagdag pa niya, hindi naman daw siya choosy sa trabaho. Lalo raw sa panahon ngayon na nangangalap ng work ang maraming artista.



"Hindi na tayo dapat maging choosy when it comes to work, di ba? Tulad ngayon, I need to accept whatever comes my way kasi nga, hindi na ako daily na napapanood sa Eat Bulaga! at nawala pa yung Daddy Di Do Du. It's a good thing na dumating itong Zaido at nagpapasalamat ako sa GMA-7 kasi hindi nila ako nakakalimutang bigyan ng trabaho."



Mukhang hindi na rin napipikon si Paolo sa anumang mga komento sa kanya ngayon. Tapos na raw ang pagkapikon ni Paolo kapag tinatanong siya tungkol sa kanyang kasarian [gender]. Para sa kanya ay luma na raw ang gay issue na ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Before nagagalit ako pero parang balewala na lang ngayon," pag-amin ni Paolo. "I just keep quiet. Pakiusap ko lang ay irespeto na lang nila ang pananahimik ko. Wala naman akong sinasaktan o inaagrabyadong tao kaya sana irespeto nila ang desisyon ko na huwag nang pag-usapan ‘yan.



"I feel kasi na I don't need to prove or defend myself sa maraming tao. What they see is what they get at hanggang doon na lang. Pabayaan na lang nila ako sa talagang ginagawa ko. I'm here in this business to entertain people," pakiusap ni Paolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN