Ai-Ai delas Alas opens "Ai Sarap" food chain after Klownz Araneta closure


Just a few weeks after Klownz Araneta—in partnership with other business partners—closed down, Ai-Ai delas Alas opens her own food chain/Internet shop in the heart of Manila. "Sabi nga nila, di ba, when God closes a door, He opens a window? Kahit nagsara na yung Klownz Araneta namin, tinuruan naman Niya ako para matuto ako na magtayo ng sarili kong negosyo," says Ai-Ai.



Sa kalagitnaan ng launch ng album ni Piolo Pascual na Timeless under Star Records kahapon, September 18, ay biglang binati ng singer-actor ang papadaan na si Ai-Ai delas Alas sa 9501 restaurant ng ABS-CBN. Galing si Ai-Ai sa isang meeting with Star Cinema's managing director na si Malou Santos.



Kinuha na rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakataon upang usisain si Ai-Ai tungkol sa naturang meeting niya with Ms. Malou. Nilinaw sa amin ng Comedy Concert Queen na hindi sila nagpirmahan ng kontrata para sa pelikulang gagawin niya sa Star Cinema.

Meeting lang daw talaga ‘yon at may mga bagay-bagay silang pinag-usapan in preparation sa susunod niyang project sa film arm ng ABS-CBN. Ito ang sequel ng blockbuster movie niya, Ang Tanging Ina by Direk Wenn Deramas, na pinamagatang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat.

Bukod dito, ire-remake din ni Ai-Ai ang kauna-unahang superhero role niya bilang si Volta. Sa ngayon ay nagsu-shooting pa si Ai-Ai ng Pasukob under Octo Arts Films, kung saan kasama naman niya si Rufa Mae Quinto.

Kasali rin si Ai-Ai sa concert ni Erik Santos sa Araneta Coliseum this October. Pinaghahandaan rin niya ang kanyang pagbabalik sa Big Dome after more than two years, pagkatapos ng huli niyang major concert. Sa November 16 magaganap ang kanyang birthday concert na Ai-Ai: The Greatest Performance of My Life.

BUSINESSWOMAN. Masayang-masaya rin si Ai-Ai ngayon dahil hindi lang ang kanyang showbiz career ang patuloy na bumubongga. Sa kabila ng pagiging abala niya sa pelikula at telebisyon, may time pa rin si Ai-Ai na mag-focus sa kanyang pagiging entrepreneur.

"Sabi nga nila, di ba, when God closes a door, He opens a window? Kahit nagsara na yung Klownz Araneta namin, tinuruan naman Niya ako para matuto ako na magtayo ng sarili kong negosyo," pahayag ni Ai-Ai.

Inimbita kami ng comedienne sa soft opening ng bago niyang food chain na "Ai Sarap" sa kauna-unahan nitong branch sa Maria Clara cor. Langit St. sa Sampaloc, Manila, noong September 16. It's an apartment-type unit na may second floor; kainan sa ibaba at Internet shop naman sa itaas. Sa itaas ng kitchen sa first floor ay ang opisina ni Ai-Ai, katapat ng Internet shop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Pang-estudyante ang price ng pagkain dito. Malapit kasi kami sa ospital at eskuwelahan. Nandiyan lang yung St. Jude Hospital, Holy Family Clinic, at UST. So yung mga estudyante, walking distance lang kami," kuwento ni AiAi.



Si Ai-Ai raw mismo ang naggalugad sa buong Metro Manila kung saan niya itatayo ang kanyang business. Bukod sa Sampaloc, inaayos na rin ang mga susunod na outlets ng Ai Sarap sa Pasig at Novaliches.

"Ongoing na ang gawa nung sa Pasig. Pero yung sa Novaliches, titingnan ko pa lang yung puwesto," sabi ni AiAi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN