"StarStruck 4" Hunk Aljur Abrenica gets his biggest break as Red Zaido


StarStruck 4 Ultimate Hunk Aljur Abrenica (in photo) shares stellar billing with Dennis Trillo and Marky Cielo in GMA-7's new telefantasya, Zaido: Pulis Pangkalawakan. "Dream come true para sa akin ito at napakalaking tulong nito sa career ko. Flattered din ako na makasama sina Dennis at Marky dito along with my other co-stars," says the newbie actor.



Big break para sa StarStruck 4 Ultimate Hunk na si Aljur Abrenica ang pagkakasama niya sa pinakabagong primetime telefantasya ng GMA-7 na Zaido: Pulis Pangkalawakan. Dito kasi ay silang tatlo nina Dennis Trillo at Marky Cielo ang mga bida.

Flattered si Aljur na makasama sina Dennis at Marky at ang iba pang naglalakihang stars ng Kapuso network sa Zaido. Ibang klase raw kasi ang fantaseryeng ito dahil bukod sa powerhouse cast ay pinagkakagastusan daw talaga ang bawat eksenang kanilang kinukunan.

"Napaka-blessed and thankful ko po talaga being part of this new and big project of GMA-7. Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako makapaniwalang kasali ako dito. Dream come true para sa akin ito at napakalaking tulong nito sa career ko. Flattered din ako na makasama sina Dennis at Marky dito, along with my other co-stars," nakangiting pahayag ni Aljur, na naging instant favorite ng karamihan sa press during the press launch of Zaido sa Studio 3 ng GMA Network last September 17.

Marami kasing naaliw sa costume ng tatlong bidang Aljur, Marky, at Dennis dahil hapit na hapit sa kanilang katawan ang kanilang costume kaya kitang-kita ang hubog at ganda ng kanilang pangangatawan.

Hindi ba na-conscious si Aljur na magsuot ng ganitong outfit? In fairness, bagay na bagay kay Aljur ang costume dahil maganda ang kanyang pangangatawan.

"Nakakatuwa nga po, e. Imagine, mga superheroes kami dito. Tiyak na maraming matutuwang mga bata sa amin dahil mahilig sila sa mga ganitong characters, especially ang mga lalaki.

"Hindi po ako naku-conscious kasi pinaghandaan ko naman talaga ito. I mean, para maging physically fit ako at bumagay sa costume ko. Kumportable naman ako sa suot ko. Wala naman akong magagawa kung ganito ang pagkakagawa o pagkaka-design ng costume namin eh," sabi ng binatang tubong-Pampanga.

Mahirap o dusa ba ang costume nila dahil mainit ito?



"Ang pinakadusa rito, e, yung mainit siya lalo na pag may fight scenes. Pero doon sa studio na pinagte-tapingan namin ngayon—sa Marilao, Bulacan—magandang warehouse siya na malinis at medyo malamig yung environment dahil sa mga aircon, kaya medyo kumportable na rin. Sanayan lang," sagot ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya naiilang kapag pinagpapantasyahan siya ng mga bading, lalo't nakasuot siya ng costume niya bilang Red Zaido?

"Hindi talaga maiiwasan na darating ako sa ganyang pagkakataon," sabi niya. "Pero para sa akin, magku-concentrate lang ako sa role ko at sa trabaho ko sa Zaido para hindi ako mapintasan.

"Kumbaga, parang test na rin ito sa akin kung kaya ko bang i-handle ang ganitong challenge sa career ko. Nagpapasalamat ako sa GMA-7 sa pagbibigay nila ng malaking opportunity sa akin."

Dagdag pa niya, "Yung pagpantasyahan ako ng mga bading o ng mga babae, hindi talaga maiiwasan 'yon. Okey lang talaga. Nakaka-flatter naman ‘yon."

Naikuwento rin ng binata na dati ay sobrang naiilang talaga siyang makipag-usap sa mga bading dahil noon pala ay may mga proposals siyang natatanggap mula sa mga ito at nakaranas na rin siyang mahipuan dati. Pero nawala raw ang pagiging homophobic niya noong lumaki na siya at magkaroon ng mga kaibigang bading sa school, lalo na nang pumasok raw siya sa showbiz dahil mga bading ang nakakasalamuha niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN