Lovi Poe willing to do love scenes, but says no to sexy pictorials


"I think for me, it's okay to accept mature roles, kunwari mga roles na nagsusuot ka ng sexy, it's part of your job. Pero to pose for a men's magazine, hindi ko kaya," explains Lovi Poe about sexy pictorials.



Pagkakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Lovi Poe sa presscon ng Zaido: Pulis Pangkalawakan last September 17, ang lalaking naging malapit sa kanya na si Cogie Domingo ang una naming kinumusta sa young actress-singer. Magmula kasi nang matapos ang Bakekang ay wala nang balita tungkol sa kanila, pagkatapos ay na-link na si Cogie kay Angel Locsin at si Lovi naman ay kina Marky Cielo at Prince Stefan na ipinapareha.

"Ayun po, magkaibigan pa rin po kami," simpleng sagot ng dalaga.

Nagkikita pa rin ba sila?

"Hindi na katulad ng dati, kasi hindi na kami magkasama sa show. Pero nagkita kami nung pagkabalik niya [from U.S.], pero okay naman po lahat. Ganun pa rin. Nagkita kami sa mall, biglaan."

May communication pa rin ba sila ni Cogie?

"Hindi na kami nagko-communicate gaano," pag-amin ni Lovi. "Dapat pupunta ako sa birthday niya, kaso nasa Dagupan ako that time."

NO TO SEXY PICTORIALS. Sa murang edad ni Lovi na 18 ay kitang-kita na ang kanyang kagandahan at kaseksihan. May nag-offer na ba sa kanya na mag-pose for sexy men's magazines gaya ng FHM?

"Not FHM, a different sexy men's magazine," sagot niya.

Pero hindi raw ito tinanggap ni Lovi.

"I think the thought of men looking at me, you know, na sexy... I think for me, it's okay to accept mature roles, kunwari mga roles na nagsusuot ka ng sexy, it's part of your job. Pero to pose for a men's magazine, hindi ko kaya," sabi ng anak ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr.

Ibig bang sabihin nito ay mas pipiliin niya ang makipag-love scene sa pelikula kesa mag-pose ng sexy sa magazine?

"Yes, but as long as it is handled tastefully and kapag medyo matanda na ako ng konti. Not now," paglilinaw ni Lovi.

Wala rin daw siyang problema sa kissing scenes dahil nagawa na raw niya ito with Marky Cielo sa Bakekang. Incidentally, sila ulit ni Marky ang partners sa Zaido.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig bang sabihin nito ay kahit nasa tamang edad na si Lovi ay hindi magpu-pose para sa isang sexy pictorial?

"Yes!" bulalas niya. "Kasi alam mo, si Papa [FPJ] babangon ‘yan sa kinalalagyan niya pag nakita niya naka-posing na ako at lahat-lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN