Direk Chito Rono waited one year to begin movie with Sharon Cuneta


Director Chito Rono returns to Star Cinema after the blockbuster hit Sukob. In London Caregiver, he gets to direct Megastar Sharon Cuneta for the first time.



Busy day para sa direktor na si Chito Roño ang maulan na Miyerkules, September 19. Alas-kuwarto ng hapon sa 9501 restaurant ng ABS-CBN ay may story conference siya with his project for Star Cinema after Sukob. Alas-siyete ng gabi, papunta naman siya sa Teatrino para sa Lastikman presscon ng kanyang alagang si Vhong Navarro.

Isa sa mga naunang dumating si Direk Chito sa Roxas Room ng 9501 restaurant para sa story conference ng pelikulang London Caregiver. Sa mga artista, naunang dumating si Makisig Morales, sinundan ni John Estrada, at panghuli si Sharon Cuneta na under the weather pa.

While waiting for the Megastar, nakipagkuwentuhan muna sa PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Chito about the movie. One year daw ang hinintay ng award-winning director para masimulan ang una niyang movie with Sharon.

Inamin niya ring nainip siya sa paghihintay, so he busied himself with other works, like writing new material.

Base sa isang kaibigan niyang nasa London ang kuwento ng London Caregiver kung kaya't sa capital ng England niya inilagay ang kuwento.

"When we did the initial research kasi, it was really U.K. [United Kingdom] na. Iba kasi ang situation ng mga caregivers doon. Kung sa language barrier lang, walang ganitong problema kasi English naman doon. Pero yung mga traditions and lifestyle, iba.

"Gusto kong gawing iba ang movie. Gusto ko itong gawing real story about Filipinos working abroad. Marami kasing pelikula shot sa ibang bansa, ilang exterior shots lang pero pagdating sa interior puro Filipino rin ang magkakasama sa eksena, parang Pilipinas lang.

"Dito, Sharon will really interact with more foreign actors than Filipinos. How an OFW really lives abroad," kuwento ni Direk Chito sa plot ng movie.

May tatlong British actors na kasama sa pelikula pero ayaw munang pangalanan ni Direk Chito kung sinu-sino sila. Hindi naman daw kasi ganung kalaki ang mga pangalan nila, pero lumalabas na rin sila sa mga pelikula at television.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inusisa namin si Direk Chito kung ang pagpapayat ba ni Sharon ang pinakamalaking factor kung bakit isang taong nabinbin ang pelikula.

"It's not just Sharon's weight loss," sagot ng direktor. "Maraming factors hindi lang naman ito. Kasi when we started, election period. Kailan ‘yon, May? Kailan nagsimula ang campaign, two months before election? Saka may hinahabol kaming look for her."

Happy na ba si Direk sa weight ni Sharon ngayon?

"I could be happier," pag-amin niya.

Bukas, September 21, ang first shooting day ng London Caregiver sa Montalban, Rizal. Ten percent lang ang Philippine shoot and the rest ay sa London at Prague, Czech Republic na kukunan. Nakatakda silang pumunta roon around November 3 or 4 at magtatagal sila ng four weeks.

For Mother's Day next year naka-schedule ipalabas ang London Caregiver.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN