Piolo Pascual commemorates 10th anniversary in showbiz with major concert


Heartthrob Piolo Pascual has been in the showbiz industry for 10 years. To commemorate this milestone in his career, the actor-singer will hold a major concert at the Araneta Coliseum in November. He is planning to invite (insets, from top) Angel Locsin, KC Concepcion, and Judy Ann Santos to his concert.



Nauna pang bigyan ng Gold Record award sa ASAP ‘07 last Sunday, September 16, ang heartthrob na si Piolo Pascual para sa kanyang bagong album under Star Records na Timeless kesa sa media launch ng naturang album na ginanap noong Martes, September 18, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.



May 16-track ang Timeless at dalawa sa mga kanta rito ang nilikha mismo ni Piolo, ang "There For Me" at "Why Can't We Be Together," na sinasabing dedicated sa isang very special girl sa buhay niya ngayon.



"Ayoko na lang sigurong mag-name ng taong inspirasyon ko. I just wanna give her some privacy because ayoko lang po siyang madawit sa publicity, sa promo, because something is so special, something so personal. So if I can just ask sana, you know, let's give it to her because she deserves also her privacy," pakiusap ni Piolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang tanungin kung sino ang babaeng pinaghandugan niya ng kanyang awitin.

ALBUM PRODUCER. Sa una ring pagkakataon ay naging co-producer na si Piolo ng sarili niyang album.

"Yeah, that's a dream come true for me," natutuwang sabi ng actor-singer.

"When we were brainstorming for the album, Anabelle [Regalado, Star Records head] and I we're talking... I told them I want to co-produce kahit wala akong alam na instrumento, wala akong alam sa mga pagpo-produce. But with Star Records kasi, sa pag-aalaga nila sa akin sa limang taon na kasama ko sila, you know, I trust na yung ibibigay nila sa akin, yung tama at yung dapat for my range, my artistry.

"When they gave me Jonatahan Manalo to co-produce with me, it was just timely because my last two theme songs for my last two soaps, Sa Piling Mo and Walang Kapalit, siya yung nag-produce. So, sabi ko, I think it was about time na makipag-collaborate ako with someone na medyo kumportable ako in terms of the way we sing, the way we think.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayun! Si Jonatahan Manalo worked tirelessly for the album and now, it's number one din yung song niya with Aiza Seguerra under Star Records also. It's making a killing, so isa po talaga siyang henyo.

"And of course, with regards to my being a producer, medyo matigas na po ang ulo ko because I was always insisting for the songs that I felt was right for my range for the album. And since we know each other too long already, they know already what's right and what's not right for me. So we were able to work harmoniously in the span of two months. We were able to come up with a very, very nice album," mahabang kuwento ni Piolo tungkol sa pagbuo ng kanyang album.

ANGEL & KC. Kasabay ng pagpu-promote ni Piolo ng kanyang bagong album, naghahanda na rin siya para sa susunod na teleserye na gagawin niya sa ABS-CBN with Angel Locsin.



"I'm doing a lot of workshop, training, kasi medyo delicate din sa akin yung soap namin ni Angel. So, meron akong time for shooting, siyempre martial arts, biking; si Angel din. So, medyo mahirap din talaga.



"I'm just so excited because ang laki ng preparation for me. Of course, this is the first project of Angel in our network, so we're just wanna give our best. And after that, hopefully, in between or while we're taping, masimulan din naming yung pelikula. But of course, I will be busy with the concert first sa Araneta Coliseum and the promo of the album. So, dire-diretso pa rin po ‘yon," sabi ni Piolo na, obviously, ay very busy ngayon.



Bukod kay Angel, open din ang anak ni Sharon Cuneta na si KC Concepcion sa pagsasabi na type niya na si Piolo ang maging unang leading man niya just in case tumanggap siya ng offer to do a movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ang pogi ko!" kasunod ang malutong na halakhak ni Piolo.

"Ang saya nga po, e, kapag nababasa ko. Misan hindi ako makapaniwala, e. I like KC Concpecion and even Angel. Nakakataba po ng puso. I feel so blessed, you now. Sana lang talaga po matuloy. But I think sana naman din, hindi nagmamadali si KC.



"Tapusin ko lang ‘tong project with Angel. I know naman magkakasalubong kami [KC and him] one way or another. If not a movie, sana a song. I'd love to do a song with her. She has a very beautiful voice and I know naman we'll be able to work together pretty soon.



"I'm just so happy that she [KC] is already here [in ABS-CBN]. I also prayed for that and sana nga po mabigayan kami ng opportunity na makapagtrabaho kasi I believe in her talent. Sana lang hindi ako matulala kapag nakakatrabaho siya because she's really beautiful," saad pa ni Piolo.



What if ang rumored boyfriend ni KC na si Lino Cayetano ang maging direktor nila sa unang pelikula ng anak ng Megastar?



"Kung sila na ni Direk Lino, nakakailang naman," pag-amin ni Piolo. "Siyempre, di ba, kung love story ‘yon at sila naman ang magkasama parang... hindi ko po alam. I'll cross the bridge when I get there.

"Mabait naman si Direk Lino. In all fairness to him, he's really a very nice guy... Even before KC, kabigan ko na si Direk Lino. Kaya lang, kapag magkasama sila sa movie tapos love triangle na lang. Mukha namang artistahin si Direk Lino, e. Pero, why not?"



TENTH ANNIVERSARY. Ise-celebrate naman ni Piolo ang kanyang ika-sampung anibersaryo sa showbiz sa pamamagitan ng isang malaking concert sa Araneta Coliseum sa Nobyembre.

Magiging bahagi ba rito ang perennial loveteam niya na si Judy Ann Santos? Matatandaang hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos sina Piolo at Juday bunsod ng naging alitan nila pagkatapos ng huli nilang pelikula, ang Don't Give Up On Us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course! She's part of my history," sambit ni Piolo.

Hihingin ba ni Piolo ang permisyo ni Juday upang maging bahagi ng kanyang concert ang kanilang mga pinagsamahan na proyekto, kundi man personal na mag-guest ang young superstar?



"In that case, opo," sgaot ng aktor. "Well, aayusin naman po siguro ng Star Cinema but, you know, I cannot deny the fact that she's part of my achievements and my success. So, sa limang pelikula na ginawa namin, hindi po maitatanggi na malaking parte si Juday sa ten years ko sa industrya."



Nagtambal sina Piolo at Judy Ann sa mga sumusunod na pelikula ng Star Cinema: Esperanza, Kahit Isang Saglit, Bakit ‘Di Totohanin?, Till There Was You, at Don't Give Up On Us.

Bukod kay Juday, gusto ring imbitahin ni Piolo na manood ng kanyang anniversary concert sina Angel Locsin (La Loba Blanca), Claudine Barretto (Milan, Walang Kapalit), Donita Rose (Nine Mornings), Janna Victoria (Lagarista), G Tongi (Sa Sandaling Kailangan Mo Ako), Angelica Panganiban (Mangarap Ka), Bea Alonzo (Dreamboy), Rica Peralejo (Sa Piling Mo), at si Regine Velasquez (Paano Kita Iibigin).

Nais ding imbitahan ni Piolo sina KC Concepcion, Kristine Hermosa, Toni Gonzaga, at si Marian Rivera.



Anong kanta naman ang ide-dedicate niya sa kanyang leading ladies, especially kina Juday at na parehong na-link kay Piolo romantically?

"'Kailangan Kita,' sa kanilang lahat," sagot ni Piolo. "Kailangan ko silang lahat sa buhay ko. At one point in my life, kinailangan ko sila. If not because of these significant people, hindi naman magiging kumpleto ang singing career ko saka showbiz career ko. So, ‘yon na lang, kasi ‘yon talaga na original sa akin. Dahil sa ‘Kailangan Kita,' nagkaroon ako ng chance para maging singer."

Paano niya iimbitahan si Judy Ann?

"Hindi ko po alam, e. Siguro....call her, given the chance and... You know, let's just see what's gonna happen. But I really want to invite her," sinserong pahayag ni Piolo bilang pagtatapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN