StarStruck 3 Avenger Vaness del Moral reconciles with her estranged father


"Alam naman niya na malaki ang pagkakamali niya sa family namin. He'sjust too proud to admit his mistakes, pero deep inside, alam ko na hewants to make up for everything," shares Vaness del Moral about her accidental meeting with her estranged father.



Masaya ang StarStruck 3 Avenger na si Vaness del Moral na hindi siya nawawalan ng proyekto sa GMA-7. Katatapos lang siyang mapanood sa Impostora bilang kaibigan ni Jenica Garcia. Ngayon naman ay isa siya sa mga amasona sa bagong telefantasya ng Kapuso network na Zaido: Pulis Pangkalawakan.



Ginagampanan ni Vaness ang papel na Amasonang Kahel, ang pinakamaliksi at pinaka-agresibo sa lahat ng mga amasona sa pamamahala ni Drigo (played by Jay Manalo). Makakasama ni Vaness bilang mga amasona sina Iwa Moto, Arci Muñoz, Melissa Avelino, at LJ Reyes.



"Nakakatuwa naman kasi for the first time ay nakapagsuot ako ng costume sa isang telefantasya. First time ko na makagawa ng ganito kasi usually mga simpleng kontrabida roles lang ang ginagawa ko. Ngayon naman ay kontrabida pa rin, pero mas bongga na kasi with matching outfit na. Ako kasi ang pinakamainitin ang ulo sa mga amasona kaya marami akong sungay sa outfit ko.



"Ang masaya pa kasi, mga close ko talaga sina Iwa at Arci noong StarStruck days pa namin. Kaya walang humpay na tawanan at tsimisan ang ginagawa namin sa set," pahayag ni Vaness sa presscon ng Zaido noong September 17.



Isa si Vaness sa mga StarStruck Avengers na may problema sa kanyang pamilya, partikular na sa kanyang ama na matagal na panahon na niyang hindi nakikita at nakakausap. Inamin ni Vaness na nagkimkim talaga siya ng sama ng loob sa kanyang ama.

Kuwento ni Vaness, aksidenteng nagkita sila ng kanyang ama nang bisitahin niya ang kanyang ninong sa Baguio City kamakailan.



"Brother kasi ng daddy ko yung ninong ko. E, noong umuwi ako sa Baguio kelan lang, I dropped by for a visit kasi matagal nga kaming hindi nagkikita. Noong nandoon nga ako, biglang dumating ang daddy ko. Nagulat din siya kasi almost two years na rin kaming hindi nagkikita at nagkakausap. Noong makita niya ako, sabi niya, ‘Vaness, anak, kumusta ka na?' sabay niyakap ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ako naman, okay lang kasi na-miss ko rin si Daddy. Pero wala nang mga iyak-iyak kasi alam naman ni Daddy na may sama ako ng loob sa kanya. Yung pagyakap niya, parang naibsan yung sama ng loob ko for him. Alam naman niya na malaki ang pagkakamali niya sa family namin. He's just too proud to admit his mistakes, pero deep inside, alam ko na he wants to make up for everything.



"Sinabi naman niya na napapanood niya ako sa TV at masaya siya sa mga ginagawa ko. Ipinakilala nga niya ako sa babaeng kasama niya, bagong girlfriend niya yata. In fairness, hindi ko naman kaedad. Medyo older naman sa akin!" sabay tawa ni Vaness.



Hindi naman itinago ni Vaness na marami siyang kapatid sa labas dahil sa sobrang pagiging ladies' man ng daddy niya. Huling bilang ni Vaness ay walo silang magkakapatid at kilala niya lahat ng mga half-brothers and sisters niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN