Raymart Santiago's love for Sabina did not change with the arrival of Santino


Action star Raymart Santiago is enjoying fatherhood very much. Although he is a hands-on dad, there are some things that he still cannot do. "Hindi ko lang kaya ang magpaligo sa baby. Takot pa rinakong buhatin siya, although ngayon, matibay na ang leeg niya. Hindirin ako nakapagtimpla ng milk dahil breastmilk ‘yon," says the proud daddy.



Proud father si Raymart Santiago sa anak na si Rodrigo Santino. Puno ang kanyang mobile phone ng mga litrato ng almost two-month-old baby nila ni Claudine Barretto. Isa ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pinakitaan niya ng pictures ng anak at pumayag pang ipasa ang picture ni Santino sa mga nanghihinging reporters na nasa presscon ng Zaido noong Lunes, September 17.



"Tino" raw ang nickname nila ni Claudine sa kanilang firstborn at nag-react naman ang press ukol dito. Gandahan naman daw sana nila ang nickname ng bagets dahil kahit baby pa lang, kitang-kita na ang pagka-guwapo nito. Ayaw lang pumayag ni Raymart na kamukha ni Claudine ang baby nila dahil mas kamukha raw niya si Santino.



Ipinagmalaki rin ni Raymart na tumutulong siya sa pag-aalaga kay Santino, gaya ng pagpapalit ng diapers.



"Hindi ko lang kaya ang magpaligo sa baby," sabi niya. "Takot pa rin akong buhatin siya, although ngayon, matibay na ang leeg niya. Hindi rin ako nakapagtimpla ng milk dahil breastmilk ‘yon. Tumigil muna sa breastfeeding si Claudine, pero babalik din siya."



Ang ganda ng sinabi ni Raymart na akala niya ay magbabago ang pagtingin niya sa adopted daughter nilang si Sabina pagdating ni Santino. Aniya, mahal na mahal pa rin nila ito. Hindi rin daw nila kinakitaan ng pagseselos si Sabina sa kapatid.



Sabi ni Raymart, sa October na babalik sa TV si Claudine, pero hindi raw niya alam kung anong project ito. Nauna nang bumalik si Raymart via Zaido
kung saan ginagampanan niya ang role ni Alvaro.



"Black sheep ako rito. Drama muna ako at action na matagal ko ring hindi ginawa. Wala pang masyadong action scenes akong nakukunan, habul-habol muna," kuwento ni Raymart tungkol sa kanyang character.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN