FIRST READ ON PEP: Jeremy Marquez is the latest target of Rhian Ramos's "fans"


Actor-politician Jeremy Marquez called PEP (Philippine Entertainment Portal) to air his side about a malicious report that came out in a tabloid yesterday, September 20. According to the item, Jeremy, who is the barangay captain of Barangay BF Homes in Parañaque, is allegedly using public funds for his womanizing. The said accusation allegedly came from Rhian Ramos's fans.



Bagama't nabalitang nakipag-ayos na ang ilang grupo ng mga supporters ni Rhian Ramos sa young actress, may vicious pattern na yata ang mga sinasabing "fans" ng dalaga na sirain ang kahit na sinong lalaking mauugnay sa kanya—tunay man o hindi na nanliligaw kay Rhian.

Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng mga emails na ipinapadala nila sa mga manunulat. Nagugulat na lang ang mga entertainment writers—kasama na kami—kung paano nila nakukuha ang mga personal emails nila, especially the private ones.

Nang nag-date minsan sina Rhian at PJ Valerio, sinira ng Rhian fans ang pagkatao ni PJ at tinawag siyang "stalker" ng mga ito.

Nang naging magkaibigan sina Rhian at Mo Twister, tumiwalag ang Rhian fans sa pagiging supporters ni Rhian at sinira hindi lang si DJ mo kundi ang dalaga mismo.

Hindi nagkasya ang mga umano'y mapanirang fans ni Rhian. Inungkat pa nila ang ilang pribadong pictures ni Rhian sa kanyang Multiply site at kinalat din sa mga press through emails.

This time, si Jeremy Marquez naman ang target ng kanilang bengansiya.

Maaga ang text at tawag sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ni Jeremy dahil sa isang hindi magandang headline about him sa isang tabloid kahapon, September 20. Galing din sa mga emails ng mga Rhian ex-fans ang balita kung saan in-acknowledge ng mga pumik-ap ng balita, pero politically damaging ang naging headline nito sa naturang tabloid accusing Jeremy of using public funds sa pambababae.

Jeremy is the barangay captain of Barangay BF sa Parañaque City, said to be the biggest barangay sa buong Metro Manila.

"Akala ko noong una, politically motivated ang balita kasi napaka-libelous ng title. Kinausap ko nga agad ang attorney ko to do something about it," kuwento sa amin ni Jeremy over the phone.

Ipinaliwanag kay Jeremy ng kanyang lawyer na malinis naman ang pagkakasulat ng balita dahil very clear na hearsay at ibang source nanggaling ang balita, hindi sa mismong writer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong agad namin si Jeremy kung nanligaw o nanliligaw ba siya kay Rhian.

"Naku po, naku po, hindi ‘no?" tanggi niya.

Last year pa raw sila nagkasama ni Rhian sa isang project sa GMA-7, ang Captain Barbell.

"Kilala ko siya, magkasama kami sa trabaho, pero 'yon lang ‘yon," sabi pa ni Jeremy.

May sinasabi sa mga emails na nakitang nag-date ang dalawa recently kung kaya't matagal na nag-isip si Jeremy bago sumagot kung kailan sila huling nagkita ni Rhian.

"Last month pa yata ‘yon, sa karting race sa Parañaque. Nakita ko siya doon, hindi ko alam kung sino ang kasama. Kilala ko naman siya kaya kinausap ko siya. That's it," kuwento ng panganay na anak ni Joey Marquez.

One of Jeremy's hobbies is karting.

"Bago pa ako naging artista, bago pa ako naging pulitiko, nagka-karting na talaga ako. Umaabot ako ng Cebu, Carmona, pati India. Ever since pa, ito na ang hobby ko."

Hindi alam ni Jeremy kung fan din ng karting si Rhian.

"Huwag naman sana ako at huwag naman sanang idamay ang trabaho ko. Wala naman akong alam diyan," pakiusap ni Jeremy sa mga naninira sa kanya.

Huling tanong namin kay Jeremy ay kung alam niya ang cell phone ni Rhian.

"Oo naman! Magkasama nga kami niyan sa Captain Barbell, pero hindi kami nagti-text," sumpa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN