KC Concepcion shares stories about her half-sisters and her diet


"Basta ako, important meal sa akin ang breakfast. Kahit po walang lunch, kailangan full ang breakfast ko. Pero less carbohydrates kaya po hindi daily ang pagkain ko ng oatmeal. Kung kailangan po, minsan nagsa-South Beach diet ako; sila ang nagpapadala ng full breakfast ko," shares KC Concepcion about her diet.



"This is the most exciting thing that happened to me. More exciting than my four-year stay in Paris," nakangiting sabi ni KC Concepcion when asked kung ano ang feeling niya na siya na ang bagong endorser ng Bayo.

"It's a dream come true for me dahil Filipino brand ito that caters to the Filipinos. When they approached me, I really loved it. Mga cousins ko, nagsusuot na nito. Ako kahit mag-visit lang sa stores nila noon, hindi puwede. But now, hindi pa ako endorser, ito na ang isinusuot ko sa Paris, ipinagmamalaki ko ito. Now, I can wear them all," dagdag na pahayag ni KC sa launching ng pagiging endorser niya ng Bayo kahapon, September 20, sa Discovery Suites.

After ng launch ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si KC. Nagulat siya kung paano namin nalaman na binigyan niya ng Balenciaga gown ang kanyang ina na si Sharon Cuneta. Nabanggit kasi ng Megastar sa story conference ng kanyang pelikulang London Caregiver kung ano ang iniregalo sa kanya ng anak.

"Wala lang po, pasalubong ko lang ‘yon sa kanya," tila nahihiya pang sabi ni KC. "Sabi kasi niya, gusto niyang ma-inspire sa ipasasalubong ko. Alam ko pong magugustuhan niya ‘yon. Binili ko po ‘yon sa main store nila [Balenciaga] in Paris a day bago ako bumalik ng Pilpinas. Walang name ‘yong store nila, hinanap ko pa."

Samantala, ibinalita ni KC na magkakaroon ulit siya ng Artists Garage Sale kapag dumating na ang 55 boxes ng gamit niya na ipina-ship niya sa Pilipinas from Paris. Iniuwi raw niya lahat ng mga gamit niya sa Paris sa loob ng apat na taong pamamalagi niya roon.



KC'S HALF-SISTERS. Inalam din ng PEP kay KC kung may communication siya sa mga kapatid niya sa Daddy niyang si Gabby Concepcion.

Kuwento ni KC, "Si Chloe [anak ni Gabby kay Jenny Syquia], sinulatan niya ako noong nasa Paris ako. Nahanap daw niya ang address ko at ipinagmamalaki niyang nasa Sweden sila noon. She speaks fluent English. Nagpadala siya ng pictures sa akin, she's so cute. Kaya lang, hindi ko na siya nasagot kasi nawala ko ‘yong address niya. Naglipat kasi ako ng bahay at nawala ‘yong wallet na may address niya. Nanawagan nga ako sa mga friends ko na baka sakaling may nakakakilala kay Chloe o kay Tita Jenny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Gabrielle [Gabby's daughter with Grace Ibuna], nagkausap na rin kami, pero wala pa akong communication sa kanya ngayon. Five weeks pa lang ako dito kaya kahit si Lolo Rolly [Concepcion, Gabby's dad], hindi ko pa rin nadadalaw. Alam kong may sakit siya. Yung mga uncles ko, umuwi yata sila rito para dalawin siya. Pero naging busy ako, kaya hindi pa kami nagkikita-kita."

Wala ba silang balak mag-reunion na magkakapatid?

"Medyo sensitive po ang topic na ‘yan," sagot ni KC. "Siguro kahit gusto naming magkakapatid... By the way, magkakamukha po kaming tatlo... Baka hindi naman pumayag ang mga nanay namin. Let's see po."

KC ON DIET. Napaka-slim ni KC ngayon, sabay ba silang nagda-diet ng Mommy niya?

"Hindi po, iba po kasi ang diet ni Mommy," sabi ng dalaga. "Basta ako, important meal sa akin ang breakfast. Kahit po walang lunch, kailangan full ang breakfast ko. Pero less carbohydrates kaya po hindi daily ang pagkain ko ng oatmeal. Kung kailangan po, minsan nagsa-South Beach diet ako; sila ang nagpapadala ng full breakfast ko.

"More on fish po ako and vegetables and fruits," patuloy ni KC. "Hindi na po ako kumakain ng pork, beef, and chicken. May kuwento po ako kasi diyan... Noong high school ako, nag-outreach kami for six months sa isang remote place in the North, hindi ko na po matandaan ‘yong lugar. Pero wala po akong nakikita doon kundi puro baboy, baka, at chicken. Naging friend ko na nga po ‘yong mga baboy. Kaya nang bumalik ako ng Manila, parang hindi ko na makain ang baboy, kahit po ‘yong lechon, itinatago nila sa akin dahil ayokong makakita nun. Sabi ko, kailangan ko ang beef, pero nang minsang kumain ako sa isang restaurant, very thin slices na ‘yong beef, hanggang sa lalamunan ko na lang, hindi ko na nalulon. Ang chicken naman, para pong naririnig ko ang tilaok nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya paborito ko ‘yong mga grilled tanigue, grilled squid, and other seafoods. Paborito ko rin ang fresh dalandan juice. Hindi ako masyadong umiinom ng coffee, puro water and wine.

"Sa dessert, ube jam ang pinakapaborito ko dahil nakita ko ang paggawa ng mga Sisters [nuns] ng Good Shepherd sa kanilang factory sa Baguio noong mga bata pa kami ng mga cousins ko kapag pumupunta kami doon. Iyon din ang reason kaya isa sa favorite color ko ang purple," mahabang kuwento ni KC.

BILLY & LINO. Nabanggit na rin kay KC na gustong mag-apologize sa kanya ni Billy Crawford sa pagsasabi nito na "good kisser" daw si KC sa radio program ni Mo Twister noon.

"Hindi po naman ako galit kay Billy," paglilinaw ni KC. "Siguro po, hindi lang niya ako matawagan dahil iba na po ang number ko. Ipagtanong na lang niya ang number ko kung gusto niyang mag-apologize, tawagan lang niya ako."

Hindi man binanggit ni KC ang pangalan ng rumored boyfriend niyang si Lino Cayetano, hindi na siya nagkaila na nanood sila ng stage play na Avenue Q.

Pinakinggan din daw ni Direk Lino ang pagkanta niya ng "Umbrella" ni Rihanna, isa sa mga kinanta niya sa TV special niyang KC From Paris to Pinas, na ipinakikiusap niyang panoorin sa Sunday, September 23, sa ABS-CBN.

Hindi lang daw ang magagandang lugar sa Paris ang mapapanood kundi may interaction din siya sa mga family ng mga friends niya sa Paris. Pumunta rin daw siya ng Iloilo at Cavite para mag-tape doon. May dalawa pa siyang kinanta sa kanyang TV special, ang "Sundo" ng Imago at "Real Girl."

KC is leaving with her mom on Tuesday, September 25, for Canada. May shows kasi si Sharon sa Calgary, Edmonton, at Vancouver, kaya talagang hindi siya makakapanood ng premiere night ng I've Fallen For You, na first movie directorial job ni Lino, on the same day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapakuha na rin daw si KC ng visa for London and Czech Republic dahil sasama siya sa shooting ng Mommy niya ng pelikulang London Caregiver, na kukunan sa mga naturang lugar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN