Sharon Cuneta on daughter KC Concepcion: "She'll be the biggest star ever!"


"My daughter is far more talented than either me or Gabby. You have to see her dance, you have to listen to her songs that she writes. You have to read her writings, her articles. She has a very good head on her shoulder and she dances like a pro," says Sharon Cuneta (right) about her firstborn, KC Concepcion (left).



Sa story conference ng bagong movie ni Sharon Cuneta sa Star Cinema na London Caregiver last September 19 na ginanap sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, very proud na nagkuwento ang Megastar tungkol sa kanyang panganay na anak na si KC Concepcion. Kauuwi lang ni KC from Paris kung saan nag-aral ito for four years sa American University of Paris.

"I'm so proud of her and I really said na, ‘Who would you wanna be with pag-uwi, with Tita Sandra [Chavez, KC's manager]?' Sandra said there has been a clear dividing line between me and my daughter because she has to work hard to make a name for herself, to do things on her own, and to get out of my shadow. My poor daughter, from the moment she was conceived without her knowledge or consent, was already a celebrity. So, for some people, that's a good thing. But of course, it had it's downside and she had to work very hard.

"Nung umpisa pa nga, when she was younger, nung sixteen siya at ginawa niya yung Human at lahat ng ano... She was starting na modelling and all, tapos nagti-theater-theater... Medyo nagtatampo pa ako ng konti kasi halos hindi niya ako banggitin sa mga interview. Later I understood. I understood why she was doing it. Tapos yung horror years pa, yung teenage, lahat ng nanay may episode na ganun at dinaanan ko rin 'yon. So, parang ‘Okay lang, bayad na ako sa Mommy ko,'" salaysay ni Sharon.



KC IN PARIS. Binanggit ni KC sa presscon para sa kanyang TV special na KC From Paris To Pinas, na ipalalabas na sa Linggo (September 23) sa ABS-CBN, na naging OFW din siya while studying in Paris.



"Nagtrabaho siya, practicum siya at nagtrabaho. You know my daughter has no problem. You can put her in the back of the airplane, she will be fine," very proud na sabi ni Sharon tungkol sa kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



All the while, most people thought that KC is such a pampered child and student sa Paris dahil sa padalang pera ni Sharon.



"No! We were very, very very strict!" bulalas ng Megastar. "On the third year, I said, ‘If you go over your allowance, you will have to pay for it with your own money.' And alam niya na ayokong ginagalaw ang pera niya. Walang nabawas dun kahit piso na hindi siya ang gumamit. At lahat ng paglipat, my assistant Penny, my secretary, she would dutifully note everything, so detalyado ‘yon. Kaya makikita ni Kristina [KC] yung buong history ng savings niya. Walang ginalaw doon. Until the third year, dahan-dahan.

"We said, ‘If you go over your allowance, you'll have to pay but still you have a limit.' Parang pag sinabi mo you go use your money, baka naubos na!" tawa niya.

"No, because we are teaching her how to be responsible. It's like hindi araw-araw Pasko," seryosong pahayag ng Megastar.

Worth 800 euro raw ang budget ni KC per month noon sa Paris.

GOWN & WATCH. Napag-usapan din namin ni Sharon ang Balenciaga gown na iniregalo sa kanya ni KC pag-uwi niya mula sa Paris. Ayaw pa sanang ipasabi ni Sharon na niregaluhan nga siya ng gown, pero wala na siyang nagawa nang usisain namin siya tungkol dito.



"When she came home, after her graduation... Yeah, binili niya doon [Paris]. Don't say na lang that I said. I thought she [KC] told you, I'm sorry," sabi pa niya.



Si Sharon naman ay binigyan ng mamahaling Cartier watch si KC as a graduation gift. Is it true na worth P1.2 million ang naturang relo na ibinigay niya kay KC?



"Who said the price?" tanong ni Sharon. "Ah, baka she just said the model, someone researched it. No, it was her dream watch."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento ni Sharon kung paano niya ibinigay ang graduation gift niya kay KC.

"You know what? We were talking, we went to this area along Ritz Hotel [in Paris]. That was where the shop was. I had this dream and it was on the street across where we went. I never told her until she came home. Baka sabihin niya, ‘Oh, Mama, don't get it na lang for me. You get na lang ano...' I have not gotten it. So, I call it 'family disease' naman. Namana namin kay Daddy yung relo-relo.

"Sabi niya, ‘Mama, thank you for passing something on to me.' Sabi ko, ‘Im not sure if that's a good thing, anak... It's like more of a 'disease.' You cannot naman wear ten watches in one day.'

"Di ba? No, but when we got there [shop], when I said, ‘O, anak, what graduation gift would you want?' Alam mo, she really almost cried.' She said, ‘Mama, really? We're very near na. Can we go?' Hahaha! ‘Ayun, tapos pinapili ko siya. ‘Itong may ganyan or walang ganun?' ‘Mama, this one.' Tapos sabi niya, ‘Mama, no, it's too ano.' ‘Masanay ka dahil sino ang magmamana nung akin?' sabi ko sa kanya."

ENCOUNTER WITH BILLY. Tinanong na rin namin si Sharon tungkol kay Billy Crawford, na nagsabi sa radio program ni Mo Twister na "good kisser" si KC. Nakita at nakausap na raw ni Sharon si Billy sa birthday party ni Ogie Alcasid at pabiro raw sinabi ng Megastar na "papatayin" niya ang international singer.

"Uupakan ba or papatayin?" tawa ni Sharon. "Sabi ko, ‘Who's this'? Kasi madilim tapos payat yung silhoutte na nakita ko. The last time I saw him, hindi siya ganun kapayat. So, parang ‘Who is this? Who is this?' ‘It's Billy, Tita.' ‘Ah... Pero gusto kitang sakalin or something.' Tapos tumawa ako, ganyan. But that was after na may nagkwento sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ano ang masasabi niya sa paghingi ng apology ni Billy kay KC at sa kanya?



"Thank you, thank you for apologizing. Kasi iba ang dating kapag babae ang pinag-uusapan, pero hindi ko nga alam. Well, siguro na-upset ng konti. Pero feeling ko, wala akong magagawa kasi, you know, in our family, we are good kissers, e. So, hindi ko naman siya ma-blame," pagbibiro pa ni Sharon.



Nag-react din si KC tungkol sa sinabi ni Billy and she said that it was (kissing) something very private at hindi dapat sinasabi in public.



"Actually, totoo," pagsang-ayon naman ni Sharon. "Buti na lang wala na ang Daddy ko [the late Pasay City Mayor Pablo Cuneta]. I like Billy Joe very much. We got along so well. ‘Yan nga ang sabi ko [kay KC], ‘Next time, ayoko nang makipag-friend-friend sa mga friends mo. Ako ang nahe-hurt.'"



THE MEGASTAR'S DAUGHTER. Nagbigay rin ng reaksiyon si Sharon tungkol sa sinabi ni KC tungkol sa pagre-remake ng mga dating pelikula ng Megastar. Ayon kay KC, hindi raw dapat i-remake ang mga pelikula ng kanyang ina dahil "there is only one Sharon Cuneta."



"Sabi ko sa inyo, e. When I had the presscon for the concert ba or album launch sa Crowne Plaza, I was asked ‘How do you feel [about remaking your old movies]?' You know, I said I was really upset. Sarah [Geronimo] had nothing to do with it. It wasn't... no attack against any of the artistas na iku-consider for whatever remake ng kahit anong movies ko. But these [movies] are like my babies. I think lahat ng artista, they feel that way. You use the title, that's fine.

"She [KC] made me kuwento, e. That was the first thing she said after the presscon and she saw me. Sabi niya, ‘Mama, they asked me about ano.' Then I said, parang she didn't mean to sound na medyo mayabang in saying na ‘There can only be one Sharon. If they want to do the concept, it's fine. But it's...' Yung parang naiiyak ako noon. Feeling ko sa akin, that's sacred because when I do movies, not just a project, I invest emotion and friendship, it's part of my history," paliwanag ni Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



May mga nagsasabi na si KC ang susunod na Megastar. Ano ang masasabi ni Sharon dito?



"No, she'll be the biggest star ever," diretso niyang sagot. "My daughter is far more talented than either me or Gabby. You have tyo see her dance, you have to listen to her songs that she writes. You have to read her writings, her articles. She has a very good head on her shoulder and she dances like a pro."



Sa dami ng endorsements at proyekto ni KC, multi-millionaire na raw ang kanyang panganay na anak.

"Okay, wait, wait... I made my first [million] when I was about fifteen. Well, KC, I gave her na a million when she was born. I put it na on her trust fund. But at sixteen, she made her own money. Much more than that [one million]!

"But you know, I explained to her, ‘You don't touch this. I don't like you to.' She was very sweet by the way to offer, ‘Mama, can I pay for my tuition?' I said, ‘Oh, my God! This is what I've been saving for all the years of my life. Do not deprive me of this, you know, privilege.' In the end, siya na. Yung last year ng stay niya [sa Paris], ‘ayan na, dahan-dahan pinakawalan na namin. And then, rent niya. Lahat na kasi marunong na. Maayos na yung bahay niya," very proud na kuwento ng Megastar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN