Billy Crawford keeps door open for the right one


Billy Crawford's top priority these days is his career. His upcoming concert It's Time! will be held at the Araneta Coliseum on October 6.


Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ng singer-dancer na si Billy Crawford sa nalalapit niyang concert sa Araneta Coliseum, October 6.

"Actually last week I was very nervous. But since I've been rehearsing for four days, na at ease na ko, nakikita ko 'yong outcome, nai-excite na ko," pahayag ni Billy nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, September 20, sa presscon na ibinigay para sa kanya ng GMA-7.

Bagama't nakapag-perform na si Billy sa iba't ibang bansa sa Europe, sinabi nito na mas tense ang pakiramdam niya dito sa Pinas. First time niyang magpe-perform sa harap ng marami niyang kababayan. Ito rin ang dahilan kung bakit todo-todo ang ensayo at preparasyon para sa concert.

"Gusto ko kasi once they see my concert for the first time, I want them to see another concert and another one and another one," dagdag niya.

Nabanggit ni Billy na kumpara sa foreign audience, mas mahirap makuha ang loob ng mga manonood na Pinoy.

"They're very passive. Pero kung talagang hilig nila they're support you. Hanggang patayan na sila and 'yon ang hindi mo makikita anywhere else. So pinagmamalaki ko talaga ang Pinas."

Kasama ba sa pressure na mapuno ang napakalaking venue katulad ng Araneta Coliseum?

"Of course lahat naman kahit small or big may pressure lagi. If it's a concert, it's a concert. Pero I think God is really blessing me right now. I'm excited more than pressured," sagot ni Billy.

NO LOVE LIFE. Bagama't ayaw na sanang pag-usapan ni Billy ang usapin tungkol sa kanila ni KC Concepcion, hindi pa rin maiwasang mabanggit ang pangalan ng dalaga at ng iba pang kasalukuyang ikinakabit kay Billy.

"Si KC mabait na tao. I've always known her as a very, very sweet person," pagtatanggol ng binata.

Susubukan din daw niyang imbitahin ang dalaga pati na ang pamilya nito para manood ng kanyang concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, I'm sure I'll try to get in touch with her so I can invite Tita Sharon, KC and everybody else sa family n'ya."

Ayaw na lang patulan ng sikat na singer-dancer ang mga balitang nag-uugnay sa kanya kay Rochelle Pangilinan at Rufa Mae Quinto.

Naging mainit ang issue tungkol kay Billy at Rufa Mae nang mapabalitang sinundo diumano ng binata ang sexy-comedienne sa taping nito sa Bubble Gang.

"Lahat kaibigan ko. Regine was with me, Ogie, Bitoy, Ara so wala yon," mabilis na sagot ni Billy.

Hindi naman niya itinatanggi na marami talagang attractive female celebrities dito sa atin pero, sa ngayon, career daw muna ang priority ni Billy.

"I'm looking for the right one. Pero right now I'm looking. So I'm just linked with people kasi kasama ko. Pero ngayon trabaho muna and then 'yong love life that comes next. Still open. Para akong pintuan, walang lock ‘yan," pabirong pagtatapos ni Billy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN