Joey de Leon returns to "Startalk"


Controversial comedian-TV host Joey de Leon has decided to return to Startalk tomorrow after not appearing on the show last week. Joey filed an indefinite leave of absence from the show to protest against the guidelines given to him on what he should and should not say there.



Naging malaking balita noong nakaraang Sabado, September 15, ang hindi pagsipot ng veteran comedian-TV host na si Joey de Leon sa Startalk bilang protesta sa inilabas na guidelines tungkol sa mga hindi niya dapat gawin at sabihin bilang co-host ng naturang showbiz talk show ng GMA-7.



Nadagdagan ang sama ng loob ni Joey nang malaman nito ang threat na maaaring suspendihin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang lahat ng showbiz talks shows ng GMA-7 at ng sister station nitong QTV 11—Startalk, Showbiz Central, at The Ricky Lo Exclusives—kapag naglabas ang mga nabanggit na talk shows ng kuwento o interview sa kanya tungkol sa hidwaan nila ni Willie Revillame.



A week later, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Nagdesisyon si Joey na bumalik bukas, September 22, sa Startalk at ayon sa source ng PEP (Philippine Entertainment Portal), wala nang makapipigil pa sa kanyang mga sasabihin o t-shirt na isusuot.



Inaasahan na magsasalita bukas si Joey sa Startalk tungkol sa isyu nila ni MTRCB Chair Consoliza Laguardia. Inaabangan ang muling paglabas ni Joey sa Startalk dahil ang kanyang mga sasabihin ang magiging basehan kung papatawan ng suspension ang programa o hindi.

Nag-ugat ang hidwaan nina Joey at Willie dahil sa kontrobersiyang naganap sa noontime show ng huli na Wowowee, kung saan dalawang numero ("0" at "2") ang lumabas sa jackpot portion ng "Wilyonaryo" segment. Hindi man direktang nagbanggit ng pangalan, pinatutsadahan ni Joey ang naturang insidente sa Eat Bulaga.

Mas lalong lumaki ang isyu nang direktang binanggit ni Willie ang pangalan ni Joey at ng Eat Bulaga! na nagkakalat diumano ng maling impormasyon na may dayaan sa Wowowee. Hindi naman ito pinalampas ni Joey at sinagot ang mga salitang binitawan laban sa kanya ni Willie, na hindi niya binanggit kahit isang beses ang pangalan. Ani Joey, "Explain before you complain."

Pagkatapos nito ay namagitan na nga si Chairperson Laguardia at parehong kinausap sina Joey at Willie. Humingi ng tawad si Willie kasabay ng paliwanag sa nangyaring insidente sa "Wilyonaryo" portion ng Wowowee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi tinanggap ni Joey ang paumanhin ni Willie dahil hindi nasunod ang kanyang kahilingan sa gusto niyang paraan ng paghingi ng tawad ni Willie sa kanya. Ayon kay Joey, gusto niya na habang nagsu-sorry si Willie sa kanya ay ulitin nito ang ginawa niya noong unang beses na pagsalitaan siya ng Wowowee host, na habang umiiyak siya ay katabi niya ang dalawa niyang co-hosts na sina Mariel Rodriguez at Valerie Concepcion na nakiiyak din.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN