"Deal Or No Deal" moves to an earlier timeslot; might be extended until December


Contrary to an earlier report that Kapamilya Deal Or No Deal, the ABS-CBN game show hosted by Kris Aquino, will temporarily go off the air, Kris announced last night that her show will just move to an earlier timeslot, just before TV Patrol World. A PEP source also disclosed that Deal Or No Deal will be extended up to December, but the ABS-CBN management has yet to give an official statement.



Hindi napigilang maluha ng TV host-actress na si Kris Aquino nang manalo ang isang Muslim contestant ng P2 million sa kanyang game show na Kapamilya Deal or No Deal noong nakaraang linggo. Pero magkahalong lungkot ang dahilan kaya napaiyak si Kris noong gabing ‘yon. That time kasi ay nasabihan si Kris na mamaalam sa ere ang kanyang programa.



But last night, September 20, iba na naman ang mood ni Kris. Kitang-kita ang kasiyahan sa kanyang mukha habang isinasayaw-sayaw ang first layer ng kanyang apple gown made of chiffon cloth. May announcement na naman na ibinigay si Kris regarding her show.



"On Monday [September 24], we have a new timeslot. Mapapanood na po kami sa mas maagang oras before TV Patrol. At, tuluy-tuloy pa rin po ang panonood ninyo ng Deal or No Deal," pahayag ni Kris.



Kanina, September 21, ay napadaan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa studio ng Kapamilya Deal or No Deal sa ABS-CBN. Katatapos lang i-tape ni Kris ang tatlong episodes na pawang mga celebrity ang contestants. Unang nag-taping si Gretchen Barretto na sinundan ni Rustom Padilla, at panghuli ang bagong gupit na si Piolo Pascual.



Dapat sana ay ang Regal martiarch na si Lily Monteverde ang isa sa tatlong celebrities na naglaro kahapon, Thursday. But for some reason, nag-backout si Mother Lily. Could it be nangatog daw ang tuhod ni Mother Lily sa sobrang kaba?



Samantala, isang reliable source mula sa ABS-CBN ang nagsabi sa PEP na extended ang Kapamilya Deal or No Deal until December 2007. Pagkatapos daw kasi na i-announce ni Kris na mawawala na sa ere ang kanyang programa ay marami ang nalungkot. Marami raw ang nag-text at tumawag sa ABS-CBN na nagre-request na huwag tanggalin ang game show ni Kris.



Pero nang tanungin namin ang aming source kung okay na sa management na magkaroon ng dalawang fanchise shows mula sa Endemol sa Primetime Bida ng ABS-CBN dahil sa pagpasok ng Pinoy Big Brother Celebriy Edition ay hindi niya kami nasagot. Sa pagkakalaam namin, iniiwasan ng ABS-CBN management ang magkaroon ng dalawang programa sa primetime na galing sa Endemol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Upang kumpirmahin ang impormasyon na ito ay kinonsulta agad ng PEP ang Corporate Communications head ng ABS-CBN na nagha-handle sa Kapamilya Deal or o Deal na si Kane Ochoa. As of this afternoon, nakausap ni Mr. Ochoa ang executives ng show at nilinaw sa kanya na wala pang opisyal na pahayag tungkol sa extension ng game show ni Kris hanggang December.



"I even asked the advertising department but so far, wala pa rin daw naka-lineup sa kanila na mae-extend ang Deal Or No Deal. But I'll get back to you as soon as makakuha ako ng latest information about this," pangako sa amin ni Mr. Ochoa.



Meanwhile, may taping ulit si Kris ngayong araw, September 21, ng tatlong episodes para sa Kapamilya Deal or No Deal. At ang mga maglalaro ay ang magkasintahang sina Jake Cuenca at Roxanne Guinoo, separately, at si Maja Salvador ng Pangarap na Bituin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN