Christian Bautista leaves acting temporarily for singing career


"Mahirap lang magsalita nang patapos. Kasi baka may dumating na opportunity which can still prove my acting ability, so why not? Sa ngayon lang kasi, realistically speaking, nakatutok ako sa singing career ko," explains Christian Bautista about concentrating on his singing career. Christian made his acting debut via the telefantasya Kampanerang Kuba and Regal Film's Mano Po 5: Gua Ai Di.



Halatang hindi nagustuhan mismo ni Christian Bautista ang una niyang pagsabak sa pelikula last year via Mano Po 5: Gua Ai Di at kahit hindi niya direktang sabihin, ang ganitong anggulo sa career niya would take a backseat for a long while.



"Mas gusto kong mag-concentrate sa singing career ko. Not for anything else, pero makapaghihintay naman ang acting. Masaya na ako na na-experience ko ang mag-TV sa KampaƱerang Kuba, and then, yung sa Regal movie.



"Mahirap lang magsalita nang patapos. Kasi baka may dumating na opportunity which can still prove my acting ability, so why not? Sa ngayon lang kasi, realistically speaking, nakatutok ako sa singing career ko," pahayag ng sikat na balladeer sa presscon ng kanyang major concert na Timeless.



INSPIRED, THE CONCERT. This October 6, sa Cuneta Astrodome, itatanghal ang bagong major solo concert ni Christian. Hindi raw basta-basta ang preparation para sa concert na ito.



"Lahat ay special numbers, and mostly ako lang talaga ang nasa stage. Pumapasok one by one ang guests ko, pero hindi ako basta aalis ng stage. Kung paano ako makapagpapalit ng costumes, I just have to do it onstage.



"It's how they do it in Las Vegas. Hindi nagbi-break yung main act. Nandoon lang siya sa stage throughout, like what Barry Manilow did in one of his concerts there," paliwanag ni Christian.



Technically superb ang ipinapangakong effects ng concert ni Christian, ayon na rin sa isa sa nag-conceptualize ng Inspired na si Freddie Santos. Basically, hindi naman basta magre-rely lang dito ang palabas. It should really be Christian who's going to pack people inside the Astrodome.



Hinihintay rin ang renditions ni Christian in the Josh Groban style na nagpasikat sa kanya.



"But I am very glad I was able to leap far from that impression," pag-amin ng singer. "Sa Star in a Million noon, 'yon ang sinasabi nilang style ko. But as I pursue my professional singing career, nakikita ng mga tao na original din ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"May style ako na hindi basta ginaya lang kay Josh Groban. I am proud to say that I have original hits. Doon lang mae-establish ang pagiging unique ng singer through his or her original hits," nakangiting sabi pa ni Christian, na produkto ng singing search na Star in a Million ng ABS-CBN, kung saan naging ka-batch niya ang naging winner na si Erik Santos at ang runner-up nitong si Sheryn Regis.



INSPIRATION. Dahil Inspired ang title ng concert niya, inamin ni Christian na ang girlfriend niyang si Rachelle Ann Go ang isa sa matinding inspirations niya, hindi lang sa career niya kundi pati na sa personal life.



"Naggu-grow definitely yung relationship. Ang akala ko kasi hindi maiintindihan ng fans, hindi nila magugustuhan. Kasi most of my fans are women. Selosa raw sila, pero I just found out, hindi naman.

"People are happy for me, and I should be thankful for that. Iniisip nila na maganda ang takbo ng lahat sa buhay ko. Napapasaya ko sila dahil sa totoo lang, inspired ako palagi, and I love doing that," sabi ng binata.



Ayon pa kay Christian, away-bati rin daw sila ni Rachelle gaya ng ibang magkasintahan, pero ang kaibahan, kung noon daw ay may pagkakataong isa o dalawang araw ay hindi sila nagkikibuan kung may conflict, ngayon it just takes hours to solve their problem.



"Kasi kilala na namin ang isa't isa," sambit ni Christian. "Normal na sa amin na kung may hindi pagkakaintindihan, ilang oras lang 'yon, magku-cool down na kami at mag-uusap. Hindi lumilipas ang araw na hindi nasu-solve yung problem."



One year and seven months na raw silang officially mag-sweethearts ni Rachelle. Ayaw nilang sayangin lang ng ganoon ang pinagsamahan nila, knowing how much they love each other.



"Wala si Rachelle sa concert ko, as a guest, but definitely, manonood siya," ani Christian. "Hindi siya puwedeng mawala roon. Hahabol daw siya to watch because she has a prior commitment na sabay halos sa concert ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Naiintindihan ko naman 'yon. Marami rin kasing moments na nag-concert kaming magkasama. Hindi naman sa pinaplano namin ang exposure namin, pero nakabubuti rin yung nami-miss ng mga tao yung pagsasama namin. Mas okay na iba-iba rin ang aming nakakasama," paliwanag ni Christian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN