Pops Fernandez and Piolo Pascual both admit their past relationship


"I'm not denying at hindi rin ako magno-no comment. Yes, we went out. Actually, short-lived relationship ‘yon, but it was a relationship," says Pops Fernandez about her past relationship with Piolo Pascual.



Malinaw sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang "opo" na sagot ng matinee idol Piolo Pascual nang tanungin kung nagkarelasyon sila ni Pops Fernandez. Ang pag-amin ni Piolo ay nangyari sa launching ng kanyang Timeless album under Star Records na ginawa sa 9501 restaurant ng ABS-CBN noong September 18.



Kinulit ng entertainment press ang singer-actor tungkol sa kanyang past relationships at hindi na siya nakaiwas sa pangungulit ng press. Ayaw man aminin dahil nakaraan na raw, no choice si Piolo kundi sagutin ang tanong.

Matatandaang matagal na nagkasama sina Piolo at Pops sa Sunday musical variety show ng ABS-CBN na ASAP noong regular co-host pa si Pops dito. Posibleng noong mga panahong iyon nagkaroon ng magandang pagtitinginan sa pagitan nilang dalawa.



Nagkataong a few days after, kagabi (September 21) to be exact, si Pops naman ang nagkaroon ng presscon sa Imperial Palace Suites para sa kanyang December 8 concert titled Diva-Licious. Kahit sa December 8 pa ang nababggit na concert sa Araneta Coliseum, kinailangan ang maagang presscon dahil aalis siya sa October 4 para sa U.S. tour nila ni Kuh Ledesma at sa October 26 na ang kanyang balik.



Hindi ang love-hate relationship nila ng ex-husband niyang si Martin Nievera—na idinetalye ni Pops sa October 2007 issue ng YES! Magazine— ang naging highlight ng presscon, kundi ang pag-amin ni Pops sa nakaraang relasyon nila ni Piolo Pascual.

Akala ni Pops ay matagal nang na-interview si Piolo kaya ang sabi niya ay matagal nang isyu ang tungkol doon. Nang malaman kung kalian at saan inamin ni Piolo ang tungkol sa kanila, nagbiro si Pops na tatawagan muna niya ang actor-singer bago mag-comment. Hindi nga lang pumayag ang press dahil matagal mawawala si Pops at by the time na makabalik siya, ibang controversy na ang pag-uusapan.



"Talagang last Tuesday lang niya inamin ‘yon?" tanong ni Pops. "Pero matagal na ‘yon. I'm not denying at hindi rin ako magno-no comment. Yes, we went out. Actually, short-lived relationship ‘yon, but it was a relationship."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



To what extent tumagal ang short-lived relationship na ‘yon?



"Wala lang, hanggang doon lang ang powers noon, I guess," sagot ng Concert Queen. "It's gonna be very difficult if ever nagtagal kami, so we didn't pursue it." (May nag-voice-over na marami ang kontrabida sa kanilang relasyon, without elaborating.)



Why difficult?



"He was just starting, he has so many goals and having a relationship that time is not one of them," sabi ni Pops.



May nag-comment na baka ginamit lang siya ni Piolo para sumikat. "Wala akong sinabi," ang reaction ni Pops.



"I met his Mom and his family. He has a very good family and they're very close. He's a very good brother and son," sagot ni Pops at doon tinapos ang isyu kay Piolo.

Sa inamin ni Piolo at sa comment ni Pops, tiyak na magiging laman sila ng tabloids at magiging favorite guests sa mga showbiz talk show for a few weeks.

POPS'S CONCERT. Samantala, guests sa Diva-Licious concert ni Pops sina Gary Valenciano, Kuh Ledesma, Billy Crawford, Jay-R, at Sharon Cuneta.

Obviously, hindi aware si Pops na nagkaroon ng isyu between Billy and the Megastar dala ng comment ng Fil-Am international singer na "good kisser" si KC Concepcion, dahil wala siyang maisagot sa tanong na "hindi ba siya magkaka-problema sa dalawa?"



"Talaga? We'll have to ask Sharon and ask her permission out of respect. Hindi ko alam ‘yon, basta I'm very excited na makasama siya. We wanted to do something very different. I wanted to guest Sharon and Gary for the longest time. I've never done a number with them together. Sa production number minsan sa ASAP, lines-lines lang ‘yon," sabi ni Pops.



Paano niya napa-oo si Sharon?



"I asked her and she also volunteered. Nang umoo siya, lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



If ever, sino ang ida-drop niya kina Billy at Sharon sa kanyang guest list?



"Sana wala," aniya.



Produced by ALV Events International ang Diva-Licious, ididirek ni Rowell Santiago, at si Homer Flores ang musical director.



Sabi ng producer na si Arnold Vegafria, between five to six million [pesos] aabutin ang budget for the concert dahil bukod sa birthday presentation ay 25th anniversary in showbiz pa ni Pops. Isa rin ito sa biggest concerts ni Pops na kanyang gagawin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN