Wendy Valdez and Uma Khouny continue to cross swords in word war


Wendy Valdez admits she was hurt by Uma Khouny's comment about her being the "pinaka-plastic" housemate among Pinoy Big Brother Season 2 housemates. She says, "Uma, this is the first time na mabastos ako ng isang lalaki. Babae ako, Uma, sana alam mo 'yan. Lalaki ka, di ba?"


Patuloy pa rin ang iringan sa pagitan ng mga Pinoy Big Brother housemates na sina Uma Khouny at Wendy Valdez. Ang nasabing word war ay nag-ugat sa sinabi ng PBB Season 1 housemate na ang "pinaka-plastic" na housemate noong nakaraan PBB Season 2 ay si Wendy.

Muling nagsalita si Wendy sa Entertainment Live kanina, September 22, upang linawin na hindi sa kanya nagsimula ang palitan ng maaanghang na salita sa pagitan nila ni Uma. Aniya, kasalukuyan daw siyang nagte-taping para sa kanyang show na Margarita nang marinig niya ang sinasabi ni Uma.

Kuwento pa ni Wendy, "Walang pinagsimulan iyan, hindi ko alam kung saan nanggaling. Wala, hindi ako kumikibo, wala akong ginagawa so siyempre nagulat ako na may nagsasalita sa akin ng ganyan."

Wala rin daw siyang ideya kung bakit nagsalita ng ganoon si Uma ukol sa kanya. Pahayag ni Wendy, "Hindi ko talaga maintindihan. Basta yun lang ang sasabihin ko, wala akong ginawa sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa. Kahit pagbali-baliktarin natin, mag-isip ako ng reason kung bakit niya ito ginagawa, hindi ko alam, e. Wala akong maisip na dahilan kasi wala akong ginawa sa kanya."

Noong nakaraang linggo, matatandaang sumagot din si Wendy sa Entertainment Live ng pawang pasaring kay Uma na, "Huwag ka nang maki-ride." Ayon kay Wendy, hindi naman siya seryoso sa mga nabitiwang salita.

Paliwanag niya, "I was joking that time. Parang ginagawa ko, sige pagtawanan na lang ang isyu na 'to. Pero the fact na nakikita ko na parang sineseryoso, kinakarir parang, ‘Ano ba talaga ang ginawa ko sa 'yo?'"

Bagama't lumalala na ang word war sa pagitan ng dalawang housemates, nilinaw naman ni Wendy na wala siyang anumang galit kay Uma. Tanging sama ng loob lamang ang kanyang nararamdaman sa ngayon.

Halos lumuluhang ipinaliwanag ni Wendy, "Hindi galit 'to. Ano 'to, sama ng loob kasi parang napapaglaruan ako. Parang wala akong ginagawa dito. Yun lang, sumama lang siguro ang loob ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At huli pa niyang pakiusap tungkol sa pagpapalaki ng isyu, "Sumama talaga ang loob ko kasi, ‘Ano ba, tama na.'"

UMA KHOUNY SPEAKS, TOO. Habang ini-interview nang live si Wendy, sinubukan ng Entertainment Live na pagsalitain din si Uma, na kasalukuyang nasa Ilocos para sa kanyang show na Trip na Trip.

Sa phone interview, unang naging pahayag ni Uma, "Diyos ko naman, Wendy, wala pa ako sa harap mo, umiiyak ka na? Or is it paawa-iyak?"

Patuloy niyang ipinaliwanag na wala naman talagang isyu sa kanilang dalawa. Para kay Uma, pananaw lamang niya iyon dahil tinanong siya kung sino sa tingin niya ang "pinaka-plastic" sa PBB Season 2 housemates.

Paalala pa ni Uma, "Look, nasa showbiz tayo, so yung maliit na bagay, lalaki. Pinapalaki ng tao para maging mas mainit. Actually, wala siyang issue. Ang pananaw ko kay Wendy noong nasa loob siya ng Bahay [ni Kuya] ‘plastic.'"

Kaugnay nito, nagbigay ng ilang halimbawa si Uma base sa mga napanood niya. Aniya, "Kasi noong nasa harap siya ng mga housemate okay siya pero kapag nasa loob ng confession room parang naiiba, yung galit lumalabas. Isa pa, nagalit siya kay Nel dahil binoto niya si Bruce [Quebral] pero the whole time binoboto niya si Bodie [Cruz] na best friend niya, di ba?

"So for me, as a televiewer and fan ng PBB, she was "plastic." At kung nagtataka siya noong pumasok ako ng bahay, sabi niya, ‘Uma dikit nang dikit sa akin.' Wendita, siyempre may task ako, e, siyempre kailangan kong lumapit sa 'yo kasi pag-aawayin ko kayo, di ba?"

Ipinaliwanag din ni Uma na ang pananaw na iyon ay noong nasa loob pa ng Bahay ni Kuya si Wendy. Maaari pa naman daw itong mabago kung magkausap na sila ngayong nasa labas na ng Bahay ni Kuya si Wendy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Siyempre hindi pa magbabago ang pananaw ko sa 'yo kasi di pa kita nakakausap sa labas ng Bahay [ni Kuya]. As I've seen, yung napanood ko sa loob ng Bahay [ni Kuya], maldita, nakita ko yung ‘plastic.'

At tulad ni Wendy, nilinaw din ni Uma, "Wala akong galit kay Wendy, yun lang ang pananaw ko sa kanya. Wala akong galit sa kanya."

RECONCILIATION. Bago matapos ang interview, tinanong ng Entertainment Live sina Uma at Wendy kung may pag-asa bang magkaayos silang dalawa at matapos na ang bangayan sa pagitan nila.

Para kay Uma, "Look, I never close doors, di ba? Hindi ko sasabihin na ayaw ko siyang kausapin as of ngayon. Siyempre, showbiz tayo, di ba? Malay mo magiging katrabaho ko pa siya."

At sinang-ayunan naman ito ni Wendy. "Ako, wala akong kaso. Basta ako, wala akong ginawa dito. Hindi sa akin nagsimula ito and kung meron mang pagkakaayos, willing ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN