Michelle Madrigal reacts to being "second choice" to Roxanne Guinoo


"Hindi ako nakikipag-agawan. Sa akin napunta, so ibig sabihin sa akin ‘yon," says Michelle Madrigal about the issue that she just have to settle for the projects that Roxanne Guinno cannot do.



Nabibigyan ng kulay ng intriga ngayon na ang inalisang show at tinanggihang pelikula ni Roxanne Guinoo ay napupunta sa batchmate niya sa Star Circle Quest na si Michelle Madrigal. Pagkatapos mawala sa Wowowee ni Roxanne ay pinalitan siya pansamantala ni Michelle bilang guest co-host sa naturang noontime show. Balita rin na ang role sa pelikulang Resiklo bilang Dra. Miles na tinanggihan ni Roxanne ay napunta na ngayon kay Michelle.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Michelle sa dressing room ng ABS-CBN ay agad namin siyang hiningan ng reaksiyon tungkol sa paratang na tagasalo na lang siya ng mga inayawang proyekto ni Roxanne.



"Wala akong masasabi tungkol diyan, ni walang pressure on my part kasi work lang naman ‘yon. Hindi ako nakikipag-agawan. Sa akin napunta, so ibig sabihin, sa akin ‘yon," rason ni Michelle.



Idiniin din ni Michelle na hindi importante kung first choice, second choice o maging last choice man siya sa isang role o sa isang trabaho. Hindi rin daw isyu kung sabihing tinanggihan na ito ng iba bago pa man napunta sa kanya.



"Siguro yung ibang mga tumanggi, hindi kaya ng sked nila," sabi niya. Like si Roxanne, marami siyang ginagawa. Mayroon siyang Lastikman, May Natutulog Ba Ang Diyos?... Kaya nga siya umalis sa Wowowee kasi wala na siyang pahinga. Kung dadagdagan pa siya ng trabaho, baka hindi na niya kayanin."



Dagdag pa niya, "Regarding naman sa Resiklo, in-offer nila sa akin ‘yon, tinanggap ko. Tumawag sila sa akin, nakipag-meeting ako kay Sen. Bong [Revilla], ang sabi niya, bagay naman daw sa akin yung role. Actually, alam ko na marami silang pinagpilian, but the mere fact na napunta sa akin, this only means akin talaga siya."

Samantala, marami ang nagsasabi na kung paseksihan lang ay lamang si Michelle sa kapatid na si Ehra Madrigal. Nang tanungin namin kung bukas ba siyang gumawa ng isang sexy movie, bukas naman sa posiblidad ang ibinigay na sagot sa amin ng cover girl ng FHM Magazine September 2007 issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Depende kung maganda yung story, mahusay yung director. For me kasi, kung magpapa-sexy ka kasi wala lang, para lang ma-expose yung katawan mo on screen, ayoko. Gusto ko may story, maganda yung mismong script saka mapagkakatiwalaan mo talaga yung director," paliwanag niya.

After her breakup with Victor Neri, hindi na pala pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon si Michelle, contrary sa paniniwala ng iba na papalit-palit siya ng boyfriend.



"At this moment, I'm happy being single," sabi ni Michelle. "Nagde-date pero ganun lang. Actually, mali ang akala nila na papalit-palit ako ng boyfriend. Lagi naman silang mali sa tingin sa akin. Nagkakataon lang na nagkakaproblema, nagkakagulo 'tapos di puwedeng sabihin kung bakit... Hinahayaan na lang na isipin ng iba kung ano ang gusto nilang isipin.



"Yung kay Victor, wala na ‘yon. Matagal na akong nakapag-move on mula nung January pa na mag-break kami. He's in Hong Kong right now, nagtatrabaho siya. He has his own financing business, where he is the president. Matagal na ‘yon, kahit nung kami pa. Umuuwi lang siya dito before pag may taping siya o trabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN