Nancy Castiglione on yearly pregnant issue: "Kung buntis nga ako, I won't deny it."


"If time will come that I will get pregnant, definitely aaminin ko talaga, I'll bring it to the whole world," says Nancy Castiglione.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Nancy Castiglione nang mag-guest siya sa Wowowee last September 19 ay kinuha na namin ang pagkakataon upang hingan siya ng reaksiyon tungkol sa balitang buntis siya.



According to Nancy, isa itong issue na matagal nang inuugnay sa kanyang pangalan. Ke may boyfriend nga raw siya o wala, taun-taon na lang daw ay nababalitang buntis siya. Sabi pa ng aktres, kung magkakatotoo man ito ay hindi niya ito itatago sa publiko.



"Every year, may issue na buntis nga daw ako and hindi ko alam kung bakit lumalabas ang issue na ‘yan. May article nga na lumabas na umamin na buntis ako, e, paano mangyayari ‘yon? I won't admit anything because wala naman talagang dapat aminin. Every year talaga, ‘yan ang isse sa akin kahit di ako nagge-gain ng weight, kahit wala akong boyfriend. Basta palagi pag nagbi-vacation ako sa Canada, palaging may isyung ganyan.



"You know what, kung buntis nga ako, I won't deny it. I'll bring it to the world. People ask me nga kung bakit pag may boyfriend daw ako, inaamin ko sa public. I don't see kasi any reason to hide that, I am a public property and there are things that I owe to the public. If time will come that I will get pregnant, definitely aaminin ko talaga, I'll bring it to the whole world," sabi ni Nancy.

Limang buwan nang walang boyfriend after her break-up with Brad Turvey. Hindi man niya binabalikan ang isang natapos na relasyon, napapanatili naman ni Nancy ang friendship sa mga nagiging ex niya.



"We still talk, actually we went out for coffee last week," sabi ni Nancy about Brad. "I don't believe in balikan. Sa akin kasi pag tapos na, tapos na. Pero at least you can still make friends naman sa mga ex mo kasi kahit paano, you shared something naman, may pinagdaanan kayo. Romantically it didn't work out, at least friendship na lang...and most of my ex are my friends."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SINGLE BUT HAPPY. At this moment, Nancy is enjoying being single. She even enumerated to us the advantages at disadvantages of being single.



Paliwanag niya, "Enjoy pero at the same time magulo din. Kapag may boyfriend ka, parang steady lang. Kahit papaano, may routine ang buhay mo—work, then yung free time mo, you're with your friends or boyfriend. Pag single ka, ang daming plans, di mo alam ang gusto mo. Gusto mo movie ngayon, mamaya gusto mo mag-clubbing... Ang dami mong gustong gawin.



"There are lots of nice guys dito sa Pilipinas pero sa ngayon, I'm more choosy. Hindi na ako yung hopeless romantic gaya dati nung bata pa ako na madali, ligaw-ligaw, ‘Wow, he loves me, I love him!'

"I'm happy doing lots of things. I have two big projects coming. I've been doing yung mga hobbies ko like scuba diving. I've been able to see to see the Philippines. 'Tapos hilig ko talaga anthroplogy, interesado ako sa mga tribes, what their beliefs are, articrafts...It interests me ever since I was a kid," kuwento pa ni Nancy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN