Bruce Quebral defends Wendy Valdez against Uma Khouny


"I'm not mad at Uma, pero sana maisip niya na sumosobra na siya. Kung sakanya ay katuwaan ito, well it's not funny anymore kasi nagigingpersonal na siya sa mga sinasabi niya. Konting respeto naman sa tao," says Bruce Quebral (left) about Uma Khouny's (right) comments against Wendy Valdez (center).


Naaapektuhan din pala si Bruce Quebral sa nagiging word war ng nali-link sa kanya na si Wendy Valdez at sa Pinoy Big Brother Season 1 housemate na si Uma Khouny.

Sa naging panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Bruce ay sinabi nitong naaawa siya sa kanyang ladylove na si Wendy dahil sa mga masasakit na sinasabi ni Uma rito.

"Nakakalungkot lang isipin na kapwa Kapamilya pa ang tinitira ni Uma," sabi ni Bruce. "Dapat nga nagtutulungan kami, nagsusuportahan. Pareho-pareho kaming produkto ng Pinoy Big Brother. Sana ay nagkakasundo kami pero bakit siya nang-aaway? Ano ba ang kasalanan ni Wendy sa kanya?

"Para sa akin, wala siyang right na sabihan si Wendy ng masasakit na salita kasi he doesn't know who she is. Nagkakilala sila sa loob ng Bahay Ni Kuya na saglit lang, pero parang ang dami na niyang alam kay Wendy. It's not fair for Wendy or sa kahit kanino sa amin. I wish na sana tumigil na siya kasi hindi na maganda ang mga sinasabi niya. Nagiging personal na siya masyado."

Nilinaw ni Bruce na hindi siya galit kay Uma, pero sa ginagawa raw nito kay Wendy ay para wala na raw itong respeto sa tao. Isipin na lang daw sana nito na pare-pareho silang talents ng ABS-CBN at hindi sila dapat nagsisiraan.

"Lahat kami under one TV station. Magka-Kapamilya kami, pero bakit may ganyang siraan? I'm not mad at Uma, pero sana maisip niya na sumosobra na siya. Kung sa kanya ay katuwaan ito, well it's not funny anymore kasi nagiging personal na siya sa mga sinasabi niya. Konting respeto naman sa tao," saad ng model-actor.

Bukod nga sa mga sinasabing hindi maganda ni Uma kay Wendy, pinag-react din namin si Bruce sa sinabi rin ni Uma na mas sikat ang unang batch ng PBB kesa sa second batch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That is Uma's opinion at hindi ko siya kokontrahin diyan," sagot ni Bruce. "Kung ‘yon ang paniniwala niya, it's okay. Wala naman kaming sinasabing mas sikat kami sa kanila. At saka ang ganyang mga sinasabi niya, hindi
nakakatulong sa kahit sinuman sa amin. Lumalabas pa tuloy na hindi kami magkakasundo. Hindi sa amin nag-umpisa ‘yan. Kami naman, careful kami sa mga binibitawan naming salita. Ayaw naming makasakit ng kasamahan namin sa trabaho."

Samantala, wala pa raw bagong show si Bruce after ng biglaang pagkawala ng soap opera nila ni Wendy na Margarita sa ABS-CBN 2. Naghihintay na lang daw si Bruce na tawagan siya for a new project.

"Okay lang na maghintay ako kasi makakapagpahinga ako for a change," nakangiting sabi ni Bruce. "Since nagsimula kasi ang Margarita, hindi na kami nakapagpahinga. Ngayon siguro ay mag-i-spend muna ako ng time with my mom sa Rizal. Medyo okay na siya at habang wala pa akong show, I can tend to her needs at maka-bonding ko ulit ang pamilya ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN