Dion Ignacio's lean physique comes from discipline and sacrifice


"Mahirap i-maintain ang abs. Kailangan talaga panay ang workout sa gymat iwasan ang mga fatty foods. Nakakapagsakripisyo naman ako kahitpapaano. Kapag nakakain ako ng bawal sa akin, binabawi ko sa workout atsa mga dance rehearsals namin," says Dion Ignacio.



Pagpapaganda ng katawan ang pinagkakaabalahan ngayon ng StarsStruck 1 Avenger na si Dion Ignacio. Sa press launch nga ng Zaido, kung saan gumaganap siya bilang si Thor, ang pulis na gagawing miserable ang buhay ni Alexis (Marky Cielo), malaki na ang ipinayat ng katawan ni Dion at mas bumagay ito sa height niya.



Kuwento ni Dion, hindi na siya masyadong kumakain ng mga mamantikang pagkain. Hangga't maaari ay mga inihaw at white meat na lang ang kinakain niya. Pero kung minsan ay hindi niya mapigilan ang kumain ng mga pinagbabawal sa kanya.



"Malakas talaga ako kumain, e!" tawa ni Dion. "Sa laki ko ba naman, nakakailang kain talaga ako. Kaya noon, walang korte ang katawan ko. Matangkad nga ako, pero may mga bilbil naman.



"Kaya it's about time na baguhin ko na ang paraan ng pagkain ko. Hindi naman na tayo bumabata. Habang kaya ko pang pagandahin ang katawan ko, gagawin ko. Kaya heto, nasanay na ako sa diet kasi kailangan din sa trabaho. Dito sa Zaido, kailangan payat akong tingnan kasi parang drill sergeant ako rito ng mga baguhang pulis," kuwento niya.



Mula raw nang mabuo ang all-boy group ng GMA Artist Center na Studs ay naging puspusan na ang pag-workout at pag-diet ni Dion. Kung noon daw ay bilbilin siya, ngayon ay very lean na ang katawan niya at may mga abdominal muscles na siya.



"Mahirap i-maintain ang abs. Kailangan talaga panay ang workout sa gym at iwasan ang mga fatty foods. Nakakapagsakripisyo naman ako kahit papaano. Kapag nakakain ako ng bawal sa akin, binabawi ko sa workout at sa mga dance rehearsals namin. Minsan naman sa paglaro ng basketball. Sakripisyo talaga para lang magkaroon ka ng magandang katawan," lahad ni Dion.



Wala ba siyang balak na maging vegetarian tulad ng ka-batch niya sa StarStruck na si Yasmien Kurdi, na puro gulay na lang at walang karne na kinakain?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Parang ang hirap no'n, di ba?" sabi ni Dion. "Kailangan yata disiplinado ka sa pagkain para maging vegetarian ka. E, hindi ako gano'n minsan, e. Nadadaya ko pa rin ang sarili ko.



"Siguro may ibang tao talaga na nakatakdang maging vegetarian. Maganda nga naman 'yon at mas magiging healthy ka. Sa ngayon, hindi pa ako puwede sa ganyan. Kailangan ko ang meat para sa pag-build-up ng muscles ko. Kapag siguro handa na ako, subukan kong maging vegetarian tulad ni Yas."



Kailan naman kaya ilalantad ni Dion ang magandang katawan niya sa isang sexy pictorial? Handa na ba siya?



"Dapat meron na, kaso hindi na natuloy," sagot niya. "Okay lang naman 'yon kasi parang hindi pa handa ang katawan ko that time. May mga kumukuha sa akin pero depende 'yon sa concept at sa pagpayag ng Artist Center.



"Lalo na noong nabuo grupo naming Studs, marami ang gustong i-pictorial ako. Pero depende iyon sa mga humahawak sa amin. Pero kung tatanungin ako kung handa na ako, oo naman at handang-handa na. Maipagmamalaki ko na itong katawan ko!" kampanteng sabi ni Dion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN