John Estrada and girlfriend Priscilla Meirelles profess love for each other


"Babe, I just wanna thank you for, you know... I cannot find a word how much you mean to me, how much I love you. But what I wanted to tell you is thank you for accepting me in your life. And I love you," says John Estrada to Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles.


Kitang-kita sa kislap ng mga mata ni John Estrada ang sobrang kaligayahan niya ngayon dahil kay Miss Earth 2004 from Brazil na si Priscilla Meirelles. Ikinuwento ni John sa taped interview niya sa The Buzz kahapon, September 23, kung paano nagsimula ang relasyon nila ni Priscilla.



"Nakilala ko si Priscilla three years ago nung ginagawa ko pa ang MTB: Magandang Tanghali Bayan sa Eastwood at nandoon po ang dinner nilang Miss Earth. At doon ko siya unang nakita. Sabi ko, ‘Wow, ang ganda naman!' Nung in-introduce kami... ‘This is the reigning Miss Earth, John. He's an actor here...'" kuwento ni John sa The Buzz co-host Cristy Fermin.



Kuwento pa ni John, hindi pa sila nagpalitan ng number nung gabing ‘yon. "Ni hindi ko na siya kinausap dahil alam kong, dyusko, sobrang maganda! Huwag ka na umasa ka pa diyan at saka nung time na ‘yon, kami pa ni Vanessa [del Bianco]."



MISS DOWN-TO-EARTH. Pagkatapos raw ng tatlong taon ay muli silang pinagtagpo at doon nagsimula ang maganda nilang pagtitinginan.



"Mas Pilipina pa siya sa ibang Pilipina na meron tayo na nakilala ko," sabi ni John. "Napaka-down-to earth, napakabait. Actually, Miss Down-to-Earth siya, hindi Miss Earth."



Paano magmahal ang isang Brazilian gaya ni Priscilla?



"She cooks, nagluluto. Maalaga sa... Siyempre pag karelasyon mo, makikita mo kung paano alagaan ang sarili niya, yung mga gamit niya sa bahay," lahad ng aktor.



Nagli-live in na ba sila?



"No, no, we're not," mariing tanggi ni John. "She has a condo in Makati. May condo ako sa Wack Wack. Hindi na ako high school para hindi ko pa aminin na pumupunta ako sa lugar niya at pumupunta siya sa lugar ko, di ba?"



Ano pa ang mga plano nila?



"Sabi ko sa kanya na ‘Kung may plano ka mang umalis at malapit na ‘yon, huwag na natin ituloy ‘to [relasyon] kasi parang kalokohan naman.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Napag-uusapan na ba nila ang tungkol sa kasal?



"Hindi naman," sagot ni John. "Nagbibiruan siguro pero alam n'yo naman... At saka ako, ayoko muna magplano. Pero pagdating ng panahon na naramdaman ko na tingin ko ‘yon ang tamang panahon, yun na ‘yon.



"Si Prisicilla ang babaeng nagpapatibok ng aking puso ngayon. At mahal na mahal ko, nagpapaligaya sa akin at sana siya na. Sana siya na ang makakasama ko, si Miss Priscilla Meirelles," pahayag niya ng kanyang nararamdaman para sa beauty queen.



AWAY FROM BRAZIL. Sa puntong ito ay sinamahan na ni Priscilla si John sa interview.



Ikinuwento ng beauty queen na kamakailan ay nagpunta sila ni John sa Boracay, kasama ang kanyang kapatid na lalaki. Palatandaan ba ito na tanggap ng pamilya ni Priscilla si John?



"Oh, yeah, very much. Actually, I talk with my Mom everyday. She knows everything," sagot ni Priscilla.



Ayon pa sa kanya, nakatulong si John para maibsan ang kalungkutan niya sa pagkakalayo niya sa kanyang pamilya sa Brazil.



"Yeah, he does," sambit niya. "Aside from being with me [he] supports me and everything. And my Mom knows exactly like, that... There's this guy in the Philippines who takes care of me. He even like send a video to her, it's so cute. It's like, ‘Hi, Mom! I'm John!' She's laughing so much."



Singit naman ni John, "Because pumunta siya sa Europe kailan lang to meet her Mom at the same time she had a project there. So, nag-video lang ba ako sa telepono."



Patuloy ni Priscilla, "He's like, ‘Hi, Mom! I'm John! I'm your daughter's boyfriend now. Don't worry I'll take care of her.' Things like that so cute. And she saw the video. She's laughing so much and she was like, ‘Wow! You're really happy and this is what matters to me.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



JOHN'S KIDS. Isa raw sa mga bagay na nagustuhan ni Priscilla kay John ay ang pagiging malapit nito sa kanyang mga anak kay Janice de Belen.



"The first time he touched my heart was when I saw him with his kids. It was one of his kids' birthday. The time he spends with the kids, it's just amazing how they're really link with each other," kuwento ni Priscilla.



Kumusta naman si John as a boyfriend?



"So far, so good... No, very good! It's nice. Everyday he surprise [sic] me in a really special way," sabi ni Priscilla.



Do you get along well with his kids now?



"Yeah, they're so cute," sagot niya.



Are you close to them now?



"I guess."



Gusto ba ng mga anak ni John si Priscilla?



"Oo naman. Nagtatanong nga, lalo na yung dalawang bunso ko, ‘Where's Ate Pri?" sabi ni John.



REASON FOR STAYING. Si John din ang isa sa mga dahilan kung bakit nananatili si Priscilla sa Pilipinas.



"I think, as big as my heart," sagot ni Prisiclla nang tanungin niya kung gaano niya kamahal si John.



"Good answer, Babe," singit naman ni John.



Do you tell him how much you love him?



"Yeah, everyday," sagot ni Priscilla.

At sa puntong ito ay hindi na napigilan ni Priscilla ang umiyak at sinabi niya kung bakit siya naluluha.

"You're touching things that are really precious to me," sabi niya. "He [John] knows everything already. I'm here for him. No matter what happens, I'll be there for him. And as long as he permits me to stay, I'll be there."



Sagot naman ni John: "Babe, I just wanna thank you for, you know... I cannot find a word how much you mean to me, how much I love you. But what I wanted to tell you is thank you for accepting me in your life. And I love you."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dito mas lalong naging emotional si Priscilla. "Well, because Philippines is really like my home now. I'm just so lucky to be here."



Next year ay plano na nilang pumunta sa Brazil para maipakilala na ni Prisiclla si John sa kanyang mga magulang nang personal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN