Rudy Fernandez responding very well to chemotherapy


"Nakikita ko ang paghihirap ni Rudy dahil iba-iba ang effect sakanya ng chemo niya. Itong huli, nagpuputok naman ang kanyang mgadaliri... Ang consolation namin, kapag ganoon daw na mayafter-effect ang chemo, ibig sabihin, nagre-respond siya sa medication.Pag hindi na raw kasi nag-respond ang pasyente, ibig sabihin wala natalagang pag-asa," narrates actress Lorna Tolentino about the condition of her cancer-stricken husband Rudy Fernandez.



Paalis ngayong araw, September 24, ang mag-asawang sina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino patungong Hong Kong para sa PET (Positron Emission Tomography) Scan test. Pero bago sila umalis ay nakausap muna ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lorna sa blessing at grand opening ng 16th branch ng Forever Flawless sa ground floor ng TriNoMa Mall sa Quezon City kahapon, September 23.

Nakasama ni Lorna sa ribbon-cutting sina Dra. Vicki Belo and daughter Krystal, Mark Herras, Pauleen Luna, Alyssa Alano, Prince Estefan, Tess Bomb, Butch Francisco, Yasmien Kurdi, at ang mga resident doctors na sina Dr. Leilani Sy at Dr. Jennelle Briones-Villaflor.

Kinumusta ng PEP kay Lorna si Rudy at muli nga siyang humihingi ng prayers na wala na sanang makitang trace ng cancer cells sa test ng action star at magtuluy-tuloy na ang paggaling nito.

"Last Wednesday [September 19] bale ‘yong last chemotherapy session niya. Kung meron pa raw kasing trace, sasailalim pa ulit siya ng another six chemo session," sabi ni Lorna.

"Nakikita ko ang paghihirap ni Rudy dahil iba-iba ang effect sa kanya ng chemo niya. Itong huli, nagpuputok naman ang kanyang mga daliri," hindi napigilan ng aktres na maging teary-eyed.

"Pero nakukuha naman ng antibiotics and alternative medicines na iniinom niya," patuloy niya. "Ang consolation namin, kapag ganoon daw na may after-effect ang chemo, ibig sabihin, nagre-respond siya sa medication. Pag hindi na raw kasi nag-respond ang pasyente, ibig sabihin wala na talagang pag-asa.

"But I'm happy dahil very positive pa rin si Rudy na he will conquer at mapagtatagumpayan niya ang sakit niyang ‘yon. Kapag okay na ang result ng kanyang PET Scan, kakailanganin pa rin ni Rudy ang eight months na pahinga bago siya makapagtrabaho."

Tuloy ba ang panonood nila ng laban ni Manny Pacquiao kay Marco Antonio Barrera sa Las Vegas, Nevada, sa October 7 (October 6 sa Amerika)?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, aalis kami sa October 2, sasamahan ko siya papuntang Las Vegas. Every fight naman ni Manny, binibigyan siya [Daboy] ni Mommy Rose Flaminiano ng tickets. This time, kasama nga ako. Gumawa rin ng paraan si Mommy Rose na yung ticket namin, may stopover muna kami sa Hawaii para raw hindi mahirapan si Rudy sa mahabang biyahe. From Manila to Hawaii, eight hours ang travel. Magpapahinga muna kami doon for two days bago kami tumuloy sa Las Vegas.

"After the fight, pupunta kami sa San Juan, Capertino in California. Marami raw pumupunta roong mga cancer patients at gumagaling sila. From there, tutuloy naman kami sa Mexico, sa Shrine ng Our Lady of Guadalupe. She's a miraculous mother at nananalig kaming tutulungan niya si Rudy," lahad ng aktres.

Tamang-tama namang tapos na ni Lorna ang shooting nila ng Katas ng Saudi, ang pelikula niya with Jinggoy Estrada na entry ng Maverick Films sa 2007 Metro Manila Film Festival.

"Marami na rin akong na-advance na episodes ng Zaido where I play the mother of Marky [Cielo] and Raymart [Santiago]. Absent muna ako sa paghu-host ng Startalk sa October 6," dagdag ni Lorna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN