Kris Bernal and Aljur Abrenica getting to know each other again


"Mahal ko siya ngayon bilang kaibigan ko. Best friend ko nasiya ngayon! We are starting to get to know eachother again. Matagal nga kaming di nagkausap kaya I'm taking thisopportunity na makilala ulit si Kris," says Aljur Abrenica about screen partner Kris Bernal.


Ayaw pang aminin ng young stars na sina Kris Bernal at Aljur Abrenica na meron na ulit silang relasyon. Consistent kasi si Kris sa pagsasabing nagsisimula pa lang ulit ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Aljur after nilang magkaroon ng tampuhan noong mga finalists pa lang sila sa StarStruck: The Next Level.



Pero action speaks louder than words for Kris and Aljur. Kaya hindi tumutugma ang mga sinasabi nilang magkaibigan pa lang sila. Sa mga kilos at titigan nila, obvious na may namumuo uling relasyon sa kanila.



"Bakit ayaw ninyong maniwala sa akin?" malakas na tawa ni Kris sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Starting to be friends ulit kami ni Aljur. Totoo ‘yon! Masyado namang mabilis na mag-boyfriend ulit ako. Hinay-hinay muna, di ba? Baka sabihin nila na ang bilis kong magkaroon ng boyfriend."



PJ VALERIO. Totoo bang kaya naging "cold" si Mart Escudero sa kanilang relasyon ay dahil nakipag-date si Kris kay PJ Valerio? Hindi raw kasi nagustuhan ni Mart na pumayag pang makipag-date si Kris samantalang may relasyon na raw sila.



"Gusto kong linawin ‘yan," sabi ni Kris. "Noong lumabas kami ni PJ, may problema na rin kami ni Mart that time. Mas nauna siyang naging cold sa akin even before humingi ng date si PJ sa akin.



"Naaawa ako kay PJ kasi siya tuloy ang itinuturong may kasalanan kung bakit kami nagkaroon ng tampuhan ni Mart. Walang kinalaman si PJ. In fact, after noong lumabas kami ni PJ, hindi na nasundan ‘yon. Ni wala nga kaming communication."



TOGETHER AGAIN. Para naman kay Aljur, natutuwa siya't bumalik na ang dating pagkakaibigan nila ni Kris. Inamin nito na nagkaroon sila ng malaking tampuhan noon at may kinalaman din si Mart sa naging problema nila.

Naging shoulder-to-cry-on ni Kris si Aljur after matapos ang relasyonniya sa kanyang co-winner sa title na Ultimate Loveteam na si Martat itambal ang huli kay Jenica Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Pero wala naman kaming problema ni Mart," diin ni Aljur. "Kaibigan ko si Mart at alam ko naman na wala siyang balak na saktan si Kris. Siguro nga, hindi sila tugma sa isa't isa."



So ibig bang sabihin nito ay sila pa rin talaga ni Kris ang para sa isa't isa?



"Hindi naman po!" sabay tawa ni Aljur. "Siguro po yung nangyari sa amin ni Kris noon ay kailangan naming ayusin. Matagal din kasi kaming hindi nag-usap after no'n. Kaya noong malaman ko na nagkaroon sila ng problema ni Mart, nandito naman ako para makinig kay Kris.



"Wala naman akong plano na agawin siya or singitan si Mart. Nalaman ko na lang na wala na pala sila at nagkakaroon na sila ng problema. Masasabi ko lang na I was in the right place at the right time."



Sa makatuwid ay mahal pa niya si Kris?



"Mahal ko siya ngayon bilang kaibigan ko. Best friend ko na siya ngayon!" sabay tawa niya. "We are starting to get to know each other again. Matagal nga kaming di nagkausap kaya I'm taking this opportunity na makilala ulit si Kris."



Nagpaalam ba siya kay Mart regarding Kris? Baka siya naman ang masabihan na ahas ni Mart?



"Hindi naman na siguro kailangan ng paalam," nakangiting sabi ni Aljur. "Alam naman na siguro ni Mart ang sitwasyon. Maiintindihan naman niya siguro. Hindi ko naman inaahas si Kris. Kung alam kong sila pa at pumasok ako, doon ako puwedeng matawag na ahas. Pero galing na rin kay Kris na wala na sila, kaya walang problema."



Magkasama sina Kris at Aljur sa bagong telefantasya ng GMA-7 na Zaido: Pulis Pangkalawakan na magsisimula na mamayang gabi, September 24.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN