Lorna Tolentino understands Joey de Leon's issue against MTRCB


"Medyo ‘yon ang naramdaman ni Joey kaya siya yung...nag-lie low munasiya. Iyon ang naramdaman niya. Na baka nga maapektuhan pa yung mgashow just because nga sa pagbibiro niya at pagsasalita niya. Pero doonmo naman makikita yung concern niya for all of us," says Lorna Tolentino about Startalk co-host Joey de Leon.


Kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksyon ng aktres na si Lorna Tolentino sa isyu na kinasasangkutan ng co-host niya sa Startalk na si Joey de Leon. Pagkatapos ipadala ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang sulat nila sa GMA-7 tungkol sa guidelines na kailangang sundin ng Startalk, dalawang magkasunod na Sabado rin hindi sumipot sa naturang showbiz talk show si Joey.

"Siyempre nalungkot kami nung malaman namin. Pero okey na ngayon. Ayos na, napag-usapan na namin," sabi ni Lorna sa panayam ng PEP sa kanya sa opening ng 16th branch ng Forever Flawless sa TriNoMa Mall kahapon, September 23.



Last Saturday, September 22, bagama't hindi sumipot nang live si Joey sa Startalk ay nagpaunlak naman ito ng phone-patch interview.



"Nung Saturday, ang sinabi niya puro riddle," sabi ni Lorna. "Tsaka nung kinausap ko siya puro... Nagiging color-blind na siya. Violet lang ang nakikita niya... Tapos nasa auto lang siya, hindi siya lumalabas, auto [0-2]. Tapos hindi raw siya maka-dial sa cell phone niya para makatawag sa landline dahil nag-uumpisa sa 02, 0-2 pa rin. Puro joke na lang.

"E, alam mo, kumbaga, tini-take seriously yung kanyang wittiness. Actually, yung pagiging witty niya... Kung hindi mo siya kilala, hindi sanay, e, dapat hindi mo seseryosohin. Witty lang siya, e, di ba? Magaling siya doon sa maghahanap ng mga puwede niyang i-ano as joke, pagdugtung-dugtungin as joke."



Nakarating na ba kay Lorna na isususpinde ng MTRCB ang tatlong talk shows ng GMA-7—Startalk, Showbiz Central, at Ricky Lo Exclusives—kapag hindi nila sinunod ang guidelines na ipinatutupad ng naturang ahensiya ng gobyerno?



"Hindi ko alam, e. Wala akong nakita or nabasa. So, hindi ko alam. So, it's between, I think MTRCB and GMA7," sabi ni Lorna.



But, what if suspindihin nga ng MTRCB ang mga showbiz talk shows ng GMA-7?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Bakit? Wala naman 'ata kaming nasasagasaan na law. Wala kaming mga bawal na hindi namin dapat gawin.Well, hindi naman namin ginagawa," paliwanag niya.



Sa tingin ba niya ay makakaapekto sa show nila ang tila "pangha-harass" ng MTRCB sa mga showbiz talk shows ng Siete?

"Hindi, hindi makakaapekto kasi ipaglalaban naman siguro ng kahit na sino yung karapatan nila, like freedom of expression. Yung hindi kami puwedeng magsalita? Ano ‘to? Parang nanunumbalik ang era ng mga nakaraan."



But just in case meron talagang move na ginagawa ang MTRCB para sa pagpuputol sa ere ng show nila, meron ba siyang gustong iparating sa opisina ni Chairman Consoliza Laguardia?



"Hindi ako mag-a-appeal," sabi ng aktres. "Bakit ako mag-a-appeal, e, wala nga? Problema nila ‘yon. It's between the network and them, MTRCB. Actually, nung time ni Tita Midz [Armida Siguion-Reyna], nandun kami [as a member of MTRCB]. Mas siguro ‘yon yung pinakamagandang term."



Mismong ang manager at co-host niya sa Startalk na si Lolit Solis ang nagsusulat sa kanyang mga kolum sa diyaryo na may "bantang" tanggalin sa ere ang show nila.



"Oo nga raw. Pero hindi ako... Hindi ko alam kasi siyempre it's between the network and MTRCB. Kung ganun, siyempre naman napamahal na yung show sa amin, e. Pero hindi mo naman basta gawin na lang yon kung wala ka namang ginagawang mali," lahad niya.



Nagkaroon ba ng kahit na konting changes sa Startalk dahil sa nagaganap na isyu sa MTRCB at GMA-7?



"Wala, ganun pa rin kami," sagot ni Lorna. "Kasi wala naman kaming ginawang mali, di ba? Bakit naman kami maga-adjust kung wala ka namang ginagawang mali."



Sa palagay ba niya ay "napag-initan" lang si Joey ng MTRCB?



"Medyo ‘yon ang naramdaman ni Joey kaya siya yung...nag-lie low muna siya. Iyon ang naramdaman niya. Na baka nga maapektuhan pa yung mga show just because nga sa pagbibiro niya at pagsasalita niya. Pero doon mo naman makikita yung concern niya for all of us."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Malaking kawalan ba kapag nawala si Joey sa show nila?



"Actually, ang Startalk naman, parang ano na ‘yon, e, matagal na matagal na. Nandun na kumbaga. Parang ang dami nang umalis, marami nang bumalik."



The show can stand alone, ganun ba?



"Korek!" bulalas niya.



May balita na sa darating na Sabado ay babalik na sa Startalk si Joey. Totoo ba?



"Surprise!" bitin na sabi ni LT.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN