Erik Santos faces new issues on returning from abroad


Fresh from his successful concert series in the United States, Erik Santos faces the issues that awaited him while he was away. This includes his alleged lack of support for ex-girlfriend Rufa Mae Quino, who lost P2 million in a robbery; his major concert; and his Bible study group with some ASAP '07 co-hosts.



Sa pansamantalang pagkawala ng singer na si Erik Santos ng bansa dahil sa series of concerts niya with Sarah Geronimo and Mark Bautista abroad, timing naman na nanakawan ng humigit-kumulang na dalawang milyong pisong pag-aari ang ex-girlfriend niyang si Rufa Mae Quinto.



Sa mga panayam kay Rufa Mae pagkatapos niyang manakawan ay inamin nitong masama ang loob niya kay Erik dahil ni hindi man lang daw nito nagawang kumustahin ang kalagayan niya. Dahil dito, lalong umigting ang paniniwala ng marami na mukhang kahit yata pagkakaibigan ay wala nang namamagitan sa kanila pagkatapos nilang mag-break.



Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Erik last Sunday, September 23, sa dressing room ng ASAP '07 ay ipinaliwanag niya na huli na nang nakarating sa kanya ang balita na nanakawan si Rufa Mae at may tampuhan pala sila noon ng ex-girlfriend.



"Lately ko na lang nabalitaan yung tungkol sa nangyari, so tinext ko yung yaya niya kung ano ang nangyari, bakit nanakawan kasi kabisado ko ang bahay ni Peachy. Sabi ko, 'Dapat nilagyan ‘yon ng ganito, ganyan para safe.'



"Hindi siya [Rufa Mae] ang tinext ko noon kasi may tampuhan pa kami, pero okay na kami ngayon. Tinext ko siya, ‘How are you?' Nag-text back naman siya sa akin, so okay na. Actually, hindi pa kami nagkikita because kararating ko lang ng bansa two days ago," kuwento ni Erik.



MAJOR CONCERT. Isang major solo concert ang pinagkakabalahan ngayon ni Erik titled Erik Santos... Solo na gaganapin sa Araneta Coliseum on October 19. Guests niya rito sina Sam Milby, Danita Paner, Nyoy Volante, The Company, The Maneouvres, at Ai-Ai delas Alas.

Nang tanungin kung iimbitahin ba niya si Rufa Mae sa concert niya, sinabi ni Erik na inimbita na niya ang kanyang ex-girlfriend pero hindi raw siya sigurado kung makakapunta ito.

Pero bago ang major concert ni Erik ay gaganapin naman ang major concert din ng kasamahan niya sa ASAP '07 na si Christian Bautista on October 6 sa Cuneta Astrodome. Ayon kay Erik ay expected na niya na maaaring makumpara uli silang dalawa ni Christian, lalo't halos magkasunod lang ang kanilang mga shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I expected na maaaring may lumabas na mga intriga, pero healthy competition lang naman ‘yon. Sa amin ni Christrian, wala ‘yon lalo na on my part kasi wala sa akin ‘yon," paglilinaw ni Erik.

BIBLE STUDY. Samantala, nababahiran din ng intriga ang Bible study group nina Erik, Christian, Piolo Pascual, at Sam Milby. Lahat kasi sila ay naintriga tungkol sa kanilang pagkalalake. Ayon naman kay Eric, sanay na siya sa ganitong mga intriga kung kaya't hindi na raw siya apektado sa iniisip ng ibang tao.



"Lahat naman ng ginagawa namin, nabibigyan ng kulay. Kumbaga, we just leave it sa Itaas, kay God kasi... Hindi naman kami dapat mag-react kasi walang dapat i-react o i-explain. Sa totoo lang, natatawa na lang ako sa mga ganyang issues, manhid na ako, nasanay na ako.



"Sabay kami ni Peachy sa Victory [Christian Fellowship], kaya lang nagkahiwalay kami. Naging busy tapos hindi na siya masyadong nakaka-attend. Sa akin kasi, I joined Victory because of my personal relationship with God, second yung camaraderie," paliwanag ni Erik.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN