Yeng Constantino still in demand on concert and recording scenes


"Honestly, up to now, minsan naiisip ko parang panaginip pa rin anglahat sa akin, e. Imagine, nag-dream lang akong maging vocalist ngisang banda, heto at may sarili na rin akong career as a singer. Anggaling talaga!" beams Yeng Constantino about her continued success.



Pinoy Dream Academy Grand Star Dreamer Yeng Constantino has so many things to thank for dahil naging fruitful year ang 2007 sa kanya. Sunud-sunod ang blessings na dumating at hindi niya akalaing mangyayari ang lahat ng suwerteng ito sa kanya.

"Honestly, up to now, minsan naiisip ko parang panaginip pa rin ang lahat sa akin, e. Imagine, nag-dream lang akong maging vocalist ng isang banda, heto at may sarili na rin akong career as a singer. Ang galing talaga! Feeling ko, sobrang blessed ako ni Lord. Thankful ako dahil nase-share ko ang talent ko sa pag-compose at pag-awit ng kanta," pahayag ni Yeng nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isang coffee shop sa Timog Ave, Q.C.

Right now ay busy si Yeng sa kaliwa't kanang shows niya rito sa Pilipinas at maging sa abroad. Ang Dream Big Productions ang namamahala sa kanyang career and, so far, satisfied naman daw siya sa lahat ng nangyayari sa kanyang career.

"Sobrang saya ko po nang bigyan ako ng solo segment ['Y Republic'] sa ASAP '07. Mas mahaba ang exposure ko, kasi dito sa segment na ito nakaka-jam ko ang mga paborito kong singers at mga banda. Hindi lang po mga rockers at banda, pati na rin balladeers, pop singers, bossa nova. Sa ngayon, nakasama ko na ang Spongecola, Bamboo, Aegis, si Aiza Seguerra, Zelle Band... Ang sarap ng pakiramdam na makasama sila on stage. Salamat talaga sa ASAP at pinagkatiwalaan nila akong magkaroon ng sariling portion.

"Dream kong maka-jam ang fave bands kong Hale, Sugarfree, Itchyworms, at si Sitti. I know one of these days makakasama ko rin silang mag-perform," sambit pa niya.

PANGARAP NA BITUIN. Ano naman ang reaction ni Yeng nang hindi siya mapasama sa teleseryeng Pangarap Na Bituin nina Sarah Geronimo, Maja Salvador, at Rica Peralejo? Napabalita kasi dati na ito ang kanyang magiging unang serye sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko po alam kung ako talaga ang choice para doon, e," sagot niya. "Wala namang naging offer yata sa amin. Honestly, sa tingin ko, hindi pa ako ready magkaroon ng teleserye kasi hindi pa talaga ako nahahasa sa acting. Hindi pa ako marunong umarte. Nakapag-workshop na naman ako, pero puro pasang-awa lang ang grade ko, e!"

Dagdag pa niya, "Sa totoo lang, pinapanood ko ang Pangarap Na Bituin at ang ganda talaga ng show. Magagaling silang lahat. Siguro dapat ay sa pag-compose ng songs at pagkanta na lang muna ako mag-concentrate kasi ito naman talaga ang forte ko. Gusto kong ma-establish as a songwriter talaga."

Naikuwento rin ni Yeng sa PEP na noong nagre-rehearsal sila sa ASAP a week ago ay nakasabay niya doon si KC Concepcion. Naaliw raw si Yeng dahil nag-hi sa kanya si KC sabay sabing "Hi, Yeng, alam ko ang song mong ‘Hawak Kamay.'"

"Na-touch po talaga ako. Imagine, KC Concepcion 'yon, ‘no!" nakakaaliw na kuwento ng young singer.

BUSY AS A BEE. Naibalita rin ni Yeng na busy siya ngayon sa Christmas album na ginagawa ng Star Records. Dalawang sariling komposisyon niya ang kasali doon: ang "Pasko Na Sa 'Pinas" at "Ikaw at Ako." Tiyak na magiging busy siya sa promotion nito pagsapit ng Kapaskuhan.

Si Yeng din daw ang gagawa ng theme song ng pelikula nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na entry sa 2007 Metro Manila Film Festival, ang Sakal, Sakali, Saklolo. Hopefully ay matuloy rin ang pinaplanong birthday concert niya this coming December.

Next year ay gusto sana ni Yeng na makabalik sa pag-aaral. She's planning to take up a course on music para matupad ang lahat ng kanyang pangarap. Sana rin daw ay matupad na ang pinapangarap niyang pagpapatayo ng band studio kapag nakaipon na siya ng sapat na puhunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naikuwento rin ng dalaga na nakaramdam siya ng lungkot nang malamang hindi na pala na-renew ulit ang kontrata ng mga kasamahan niya sa Pinoy Dream Academy, including ang friend niyang si RJ Jimenez.

"Nakaka-sad po talaga, pero gusto ko pong sabihin sa kanilang hindi pa ito ang katapusan ng kanilang pagiging artist. Marami pa sigurong darating na pagkakataon at hindi rin dito nagtatapos ang friendship namin. Magkakaibigan pa rin kami kahit na ano ang mangyari," pagtatapos ni Yeng.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN