Kristine Hermosa reconciles with her mother


Actress Kristine Hermosa finally kiss and make up with her mother after months of not talking to each other. She says, "Walang gumawa ng first move, bigla na lang may nangyari na involvedkami pareho. Pareho naming kailangang mag-usap ni Mama, parang yungsituation ang kusang nag-ask."



Mula sa pagpapa-nullify ng kasal nila ni Diether Ocampo hanggang sa alitang namagitan sa kanila ng kanyang pamilya, ang kontrobersiya at intriga ay naging parte na ng buhay ni Kristine Hermosa.



Naiturong dahilan noon si Diether na dahilan daw kung bakit lumalim ang alitan sa pagitan ni Kristine at ng kanyang pamilya, partikular na sa ina ng aktres na si Mrs. Mai Hermosa. Pero noong Linggo, September 23, ay nagulat ang PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makita namin si Kristine kasama ang kanyang ina at ang kapatid na sina Maxene at Joshua para samahan siya sa kanyang guesting sa ASAP ‘07.



"Okay na kami ni Mama," nakangiting sabi ni Kristine sa panayam namin sa kanya. "Sobrang okay na rin kami ng family ko. Sobrang nagulat din ako... Dito ko na-prove na nakikinig talaga ang Diyos, nakikinig Siya sa lahat ng prayers. Ibibigay Niya sa iyo ang dinarasal mo, pero sa tamang panahon; hindi kung kailan mo gusto."

Ayon pa sa aktres, kusa raw nangyari ang pagkakaayos nila ng kanyang pamilya.



"Actually, may nangyari... Walang gumawa ng first move, bigla na lang may nangyari na involved kami pareho. Pareho naming kailangang mag-usap ni Mama, parang yung situation ang kusang nag-ask.

"Iyon ang sinasabi ko na hindi ko kailangang gumawa ng anything para mangyari ang isang bagay. Kailangan mo lang na maging pasensyosa, maghintay, and have faith kay Lord kasi siya ang maglalagay ng mga bagay in its right places," sabi ni Kristine.

NOT DIETHER'S FAULT. Sa pagkaka-hospital noon ng ina ni Kristine ay nabalita na sumama ang loob ng pamilya niya dahil sa hindi pagdalaw ng aktres. Ayon pa nga sa balita, si Diether daw ang may ayaw na dalawin ni Kristine ang ina.



"That's not true," mariing tanggi ni Kristine. "Si Diet nga ang nagsasabi sa akin na dumalaw ako sa family ko, na mag-usap kami ni Mama. But it's my decision na huwag muna kasi nga I believe na kung talagang mangyayari, mangyayari ang isang bagay just like what happened to us nga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang kumustahin namin kay Kristine si Diether, inamin nito na matagal-tagal na pala silang hindi nagkikita at nag-uusap ng aktor. Very timing nga lang na kung kailan naayos na ang gulo nila ng kanyang pamilya ay saka naman mukhang nagkakalabuan sila ni Diether.



"Honestly, sobrang nami-miss ko siya dahil ilang araw na kaming hindi nagkikita, nag-uusap. Nagkaka-textan but hindi ganun kadalas. May mga araw na walang text o tawag.



"Siguro ganun talaga. Hindi ko puwedeng kuwestyunin kung ano ang mga nangyayayri sa sitwasyon ko. May mga bagay na kailangan mo na lang tanggapin, kailangan ng acceptance kasi hindi lahat ng mga bagay masasagot mo ngayon mismo. You have to wait until masagot na yung mga bagay na ‘yon. Maghihintay na lang ako ng tamang panahon para masagot ‘yon, para masagot ang mga prayers ko at maging maayos kami ni Diet," pahayag niya.

NULLIFICATION OF MARRIAGE. Sa ngayon ay nasa Higher Court na raw ang nullification ng kasal nina Kristine at Diether. Aminado si Kristine na gusto na niyang matapos ang kaso, mailagay sa tama at makapagsimula uli sila ni Diet sa tamang paraan.



"Gusto ko matapos na," sabi niya. "Wala na rin naman akong magagawa kahit sabihin mong ayokong ma-nulllify, e, nandiyan na ‘yan. Ano pa ang hahabulin ko? I don't know what to say, pero kung meron man akong hihilingin, gusto kong matapos na ‘yan para we can start anew. Tapusin na lahat ng gulo na ‘yan para panibago na and, this time, dire-diretso na. Wala nang gulu-gulo. Gusto naming malinis na, maayos. Iyan naman talaga ang gusto namin ni Diet.



"To be honest, mahal na mahal ko pa rin si Diet. Siya pa rin ang nandito [sa puso ko]. Naniniwala ako sa puso ko na siya yung ibinigay sa akin ni God. Naniniwala ako na iba talaga yung feeling pag alam mo na siya yung ibinigay sa iyo... Hindi ko siya ma-explain."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatanggap ba niya kung saka-sakaling magkaroon ng ibang mahal si Diether?



"I can't accept it, hindi ko kaya, masakit," pag-amin niya. "Never kong nakikita ang sarili ko with anyone else and ganun din siya. Hindi ko nakikita ang sarili ko na may iba, so masakit pag nakita mo na may kapalit ka na pala sa taong mahal na mahal mo."

Sa ngayon ay sinisimulan nang gawin ni Kristine ang bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Prinsesa ng Banyera with TJ Trinidad. Tinatapos din niya ang isang pelikula under Star Cinema, kasama sina Sam Milby at Toni Gonzaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN