Ai-Ai delas Alas overwhelmed by her projects with ABS-CBN


After deciding to stay with the Kapamilya network, comedienne Ai-Ai delas Alas is now swamped with projects. "Hindi ko akalain na ganun pala nila ako kamahal," she quipped.



Ilang linggo pa lang ang nakalipas mula nang pumirma ang comedienne na si Ai-Ai delas Alas ng bago niyang kontrata sa ABS-CBN. Pero bago pa man siya pumirma at magdesisyon na manatili sa Kapamilya network ay naibalita na niya na ang una niyang gagawin ay ang role na Beautiki sa bagong fantaserye ng ABS-CBN na Lastikman.



Sad to say, wala si Ai-Ai sa press launch ng Lastikman noong Miyerkules, September 19, sa Teatrino Greenhills.

Sa launching ni Ai-Ai bilang celebrity endorser ng Neo-Kiddielets ay inusisa siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung bakit nawala siya sa cast ng Lastikman.



"Kasi yung ten days na dapat required na naibigay namin noon, ngayon hindi na namin maibigay. Kasi nga pupunta ako ng Amerika, pupunta ako ng Japan. So, hindi na kaya. Gagawin ko pa yung Volta [The Series]," paliwanag ni Ai-Ai.



Aware ba siya na ang Pinoy Big Brother Season 2 housemate na si Saicy Aguila ang pumalit sa role niya dapat sa Lastikman, na nagsimula kagabi?



"Sino si Saicy?" inosenteng tanong ni Ai-Ai. "Pasensiya na, hindi kasi ako nakakapanood nung show nila. Wala akong cable tsaka nagte-taping ako. Walang time manood ng TV."

FULL LINE-UP. Samantala, nakatakdang umalis ng Pilipinas si Ai-Ai on October 3 para mag-show sa Amerika. Babalik siya on October 16 at pagdating niya ay magte-taping na siya ng Volta (The Series). Kasabay ng pagte-taping niya ang pagre-rehearse para sa birthday concert niya on November 16 sa Araneta Coliseum titled Ai-Ai: The Greatest Performance of My Life.



"Pagkatapos ng concert, lilipad ako ng Japan. Ten days ako sa Japan. Babalik ako dito at magsu-show sa Cebu. From Cebu, lilipad ako papuntang Guam. Tapos ng Guam, babalik ako sa Japan. May five days taping ako sa Japan. At pagbalik ko from Japan, Christmas na," pag-e-enumerate ng komedyana ng kanyang schedule.



Kinumpirma rin ni Ai-Ai na ang susunod niyang teleserye pagkatapos ng Bituing Walang Ningning ay ang bagong soap opera ng tambalang Kim Chui at Gerald Anderson, ang Nagai-Aida. Powerhouse cast din ito dahil makakasama rin dito sina Cesar Montano at Maricel Soriano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nawindang ba siya sa dami ng kanyang mga ginagawa ngayon pagkatapos niyang pumirma ng kontrata muli sa ABS-CBN?



"Actually, nagulat ako. Hindi ko akalain na ganun pala nila ako kamahal," sagot niya.

TEARS OF JOY. During the contract signing niya sa ABS-CBN ay balita na umiyak si Ai-Ai. Tears of joy ba ‘yon?



"Hindi naman ako umiiyak nung una. Tawa pa nga ako nang tawa. Naiyak ako kasi nandun si Sir [Gabby Lopez]. Si Sir kasi bihira mong makita ‘yon. Niyakap niya ako tapos sabi ko, ‘Thank you.' Tapos habang pumipirma kami, sabi niya, ‘O, yung mga anak mo ha, papirmahin na rin natin.'

"Niloloko ako, ganyan-ganyan. Tapos sabi niya, ‘O, ayan ha, ang dami mo nang soap. Huwag mo na kaming iiwan.' Yung ganun.



"Tapos nung niyakap niya ako, doon ako naiyak. Tapos binigyan niya ako ng flowers. Dati naman kapag pumpipirma ako, wala namang bulaklak!" tawa niya.

Na-feel niya ba yung importance niya sa network?



"Oo, ‘yon, na-feel ko. ‘Ah, importante pala ako," nakangiting sabi ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN