Sandara Park turns down offer to join "PBB Celebrity Edition"


Reports leaked out that Korean young actress Sandara Park would return to the Philippines to be part of Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 2. But Sandara's former handler belied the report saying that the young actress, who is now back in Korea, turned downed the offer and chose to live a normal life in her homeland.



Usap-usapan na ang nalalapit na pagbubukas ulit ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition. Isa sa matunog na matunog na pangalan ng celebrity na papasok diumano sa Bahay ni Kuya ay ang tinaguriang Pambansang Krung-Krung ng Pilipinas na si Sandara Park.



Kumakalat ang balita na babalik ulit ng Pilipinas si Sandara, na umuwi na sa kanyang bayan sa Korea last month. Ang pagsali raw kasi ni Sandara sa PBB Celebrity Edition 2 ang maaaring maging daan para mabuhay muli ang nanamlay na showbiz career niya.



Pero mariing pinabulaanan ni Anna Esguerra, na dating handler ni Sandara sa ABS-CBN Star Magic at naging closest friend na rin niya sa showbiz, na babalik ang dati niyang alaga ng Pilipinas at sasali sa PBB Celebrity Edition 2.



"Hindi totoo ‘yon. 'Tsaka ayaw din niya. Nag-e-enjoy siya sa Korea ngayon at plano niyang mag-aral doon," pahayag ni Anna sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



May kumausap naman daw noon kay Sandara na sumali sa PBB Celebrity Edition 2, at mismong si Sandara ang tumanggi. Ayaw na raw niyang sumali ulit sa isang reality show. Sobrang napagod daw si Sandara nung una siyang sumali sa first batch ng Star Circle Quest ng ABS-CBN, kung saan naging runner-up siya ni Hero Angeles.

Para patunayan na nag-e-enjoy sa sarili niyang bayan si Sandara, ipinakita sa amin ni Anna ang recent photos ng young actress habang namamasyal sa Korea.



Samantala, kinunan namin ng opinyon ang kauna-unahang PBB Teen Edition big winner na si Kim Chui tungkol sa napabalitang pagsali ni Sandara sa PBB Celebrity Edition 2. Si Kim kasi ang itinuturong dahilan ng tuluyang pagbagsak ang career ni Sandara.



"Oo naman po, pabor ako na sumali ulit siya [Sandara] sa PBB kasi lahat naman may second chance," sagot ni Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN