Jericho Rosales stages major concert to celebrate 10th year in showbiz


"Kaya tinawag na raw energy, kasi I have raw talent na hindi namannatin masasabi na pangit pero hindi pa naman ito polished. I want thepeople to see the raw energy that I have," says Jericho Rosales about his major concert on October 18 and 19.



Ipinagdiriwang ni Jericho Rosales ang ika-sampung taon niya sa showbiz at bilang pasasalamat sa mga biyayang kanyang natanggap, magkakaroon ang aktor ng two-night concert titled Raw Energy na gaganapin sa October 18 and 19, 8 p.m., sa Music Museum. Ito ang unang attempt ni Echo na mag-concert and he has no less than Mr. Pure Energy, Mr. Gary Valenciano, as co-director.

Ano ang naala-ala ni Jericho kapag binabanggit ang 10 years na lumipas?

"Naging mabilis ang pagtakbo ng mga bagay-bagay. Maraming tapings ang naubos. Madalas akong puyat sa mga maraming TV guestings. One day, pumunta ako sa taping, tinanong ko ang mga cameramen, mas bata na sila kaysa akin," pahayag ni Echo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Raw Energy na ginanap sa 9501 restaurant ng ABS-CBN kaninang tanghali, September 25.

ECHO AS A MUSICIAN. Pero pagdating sa music, parang bumagal daw ang oras para kay Echo. Parang bumagal daw siyang mag-age sa music scene. In fairness, baguhan pa lang si Echo sa music scene. Last year lang talaga siya nagseryoso sa kanyang music matapos niyang mabuo ang kanyang Jeans Band at naglunsad sila ng kanilang debut album.

"Kasi sa music, pag nag-jam kayo ng one song, parang in three minutes marami na rin ang nangyari. Unlike sa taping na you work 24 hours," dugtong ni Echo.

Sabi pa niya, "Singing gives me a different kind of high, pero it depends sa energy. Sa acting, may mga scenes na you give a certain kind of energy pero sa singing, parang it's something to die for. Sa Pangarap na Bituin, iba ang high. Kumakanta ako, naggigitara, at umaarte at the same time. Dramatic ang effect."

Iba raw ang preparasyon ni Echo pag umaarte siya in front of the camera kumpara kung nakatuntong siya sa concert stage at umaawit. Bagama't may mga areas raw na hawig ang acting at singing, in terms of energy na ibinigay sa performance, sabi ni Echo ay he also puts his heart into music. Pag nagpe-perform siya, hyper na hyper din siya sa stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Does singing make him a better actor? "Yeah. Being an actor also makes me a better musician. I can feel the song tapos most of the songs I sing, mga original compositions ko pa, kaya damang-dama ko talaga. Pinipili ko talaga ang mga songs na kinakanta ko," wika ng award-winning actor.

MAJOR CONCERT. Baguhan pa lang siya sa music scene, plus mas kilala siya bilang mahusay na actor, bakit pinili ni Echo na magkaroon ng first major concert to celebrate his tenth year in the business?

"It was Tita Angeli's [Valenciano, his manager] idea na mag-concert ako. She says I can do it na. I stopped acting for one year para bigyan ang sarili ko to develop my singing career. May mga gigs kami. Nood lang siya nang nood sa amin. Hindi muna niya ipinagsabi. Tiningnan muna niya ang reaction sa amin ng mga tao. Mga three years na ako into singing, pero one year pa lang ako into performing in gigs with my band. Nagsusulat na rin ako ng mga songs ko," kuwento ni Echo.

Tampok sa Raw Energy ang unang matagumpay na dekada ni Echo sa showbiz, mula sa pagiging aktor hanggang isang certified musical artist. Ang concert na ito ay joint effort ng Silver Moon Productions na pag-aari ni Echo, at GV Productions, Inc. (GVPI). Magkasamang magdidirek ng concert sina Gary at Echo.

"Para sa akin, maganda mag-celebrate na nakikita ko ang mga tao. Saka lagi rin lang ako naikukumpara kay Sir Gary at kay Bamboo. Ang masasabi ko lang, may iisang groove ang bawat artist na unique sa kanya. Ikumpara ka man sa iba, lalabas at lalabas ang natural mong talent.

"Kaya tinawag na raw energy, kasi I have raw talent na hindi naman natin masasabi na pangit pero hindi pa naman ito polished. I want the people to see the raw energy that I have. Sabi ni Tita Angeli, huwag raw akong mahihiyang ipakita ang raw energy that I have. Baka makita mo akong sumasayaw sa stage pero hindi iyon choreographed number. Kung sa acting, parang it's like any fine actor who plays James Bond, then you ask somebody like Brad Pitt to be James Bond. Magkaibang-magkaiba ang style," sabi ni Echo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN