Piolo Pascual-Angel Locsin movie might not make it on February 2008


Aside from a TV series, Piolo Pascual and Angel Locsin are also slated do a movie together for Star Cinema. But the actor revealed that they may not finish the movie in time for the scheduled February playdate. "Hindi pa kasi sinasabi sa amin kung kailan kami magsisimula ngshooting. They're saying [the Star Cinema people] na pipilitin nilangmaayos. Soon daw," Piolo says.



Scheduled for the same day, last Sunday (September 23), ang launching ng Star Magic Catalogue 2008 at ang story conference ng TV series ng ABS-CBN na La Loba Blanca, starring Piolo Pascual and Angel Locsin. Among the stars present sa 14th floor exhibit si Piolo samantalang pagbaba, namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Becky Aguila, ang manager ni Angel, na umiikot muna sa ground floor ng ABS-CBN whiling the time away before the story conference.

Sa exhibit, nang naikuwento ni Piolo na magsisimula na nga sila ng taping ni Angel for their first soap together, naitanong ng PEP kung kailan naman sisimulan ang first movie nila na balitang scheduled for February at Valentine offering ng Star Cinema, at makakatapat ng pelikula nina Judy Ann Santos at Richard Gutierrez sa GMA Films.

"Baka hindi umabot," sagot ni Piolo. "Hindi pa kasi sinasabi sa amin kung kailan kami magsisimula ng shooting. They're saying [the Star Cinema people] na pipilitin nilang maayos. Soon daw."

Ang alam ni Piolo, may kuwento na raw at first-draft script ang pelikula, pero wala pa siyang hawak. Hindi rin alam ni Piolo kung paano aabot ang movie for February dahil bukod sa magsisimula na nga sila ni Angel ng kanilang first soap together, may schedule pa ang matinee idol sa ibang bansa for shows.

"Mabuti sana kung naka-can ang show, kaso magsisimula pa nga lang kami, so wala pa kaming advanced," pagtatapos ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN