"Pinoy Big Brother Celebrity Edition" housemates still top secret


Former ABS-CBN talents Sandara Park and Hero Angeles will not be part of the second season of Pinoy Big Brother Celebrity Edition. The celebrity housemates remain top secret.



Matindi ang secrecy sa Dream Big Productions na siyang hahawak ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 2 sa ABS-CBN. Wala pang maipalabas na mga pangalan pending to the start of the promotion.

Ang puwede pa lang daw ilabas ay ang mga siguradong hindi kasali sa second edition, mga pangalang nagsisilabasan na mga possible housemates daw.

Hindi nga raw babalik from Korea si Sandara Park just to be part of the progam. Hindi rin kasama ang first Grand Questor ng Star Circle Quest na si Hero Angeles. Isa kasi sa mga naglabasang balita noon na sa PBB pagsasamahin ang dating magka-loveteam na nabuo sa SCQ, lalo na bukod sa halos wala na silang mga career, single na rin naman muli si Sandara after nitong makipag-break kay Joseph Bitangcol.

Sigurado ring hindi kasali si Rosanna Roces na nasa ABS-CBN na. Ang isa sa mga unang pinu-float noon, isang sexy star daw kasi ang papasok sa Bahay ni Kuya just like Keanna Reeves during the first edition. Si Keanna ang nanalo sa unang edition.

Ayaw pa ring mag-confirm ng Big Dream Productions kung totoong instead of the usual 12 celebrities ay malamang na maging 15 housemates daw ang PBB Celebrity Edition 2.

Nagbigay lang ng clues ang source ng PEP mula sa production team sa dalawang sure na housemates—isang comedienne at isang young star na parehong galing GMA-7 daw. Palaisipan pa kung sino ang tinutukoy na young star formerly from the Kapuso network dahil hindi binanggit kung lalaki ito o babae pero balitang si Ethel Booba ang tinutukoy na komedyanteng babae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN