Piolo Pascual excited about KC Concepcion; says affair with Pops a closed issue


Heartthrob Piolo Pascual (center) sang a duet with KC Concepcion (right) last Sunday in ASAP '07 . He explains why he admitted his relationship with Pops Fernandez (left).



Natuwa si Piolo Pascual sa first live TV appearance ni KC Concepcion sa ASAP ‘07 last Sunday, September 23, in connection with her special show na KC From Paris To Pinas na ipinalabas din kinagabihan. Mas nauna pa ngang nagkita sa ASAP ‘07 sina KC at Piolo kesa kay Angel Locsin na twice lumabas sa Sunday musical variety show ng ABS-CBN, pero nasa ibang bansa ang aktor noon.



"Gosh, I finally did a number with her [KC]! She got back home [from Paris] and she's with us. I'm just so excited and hopefully matuloy yung movie namin," bulalas ni Piolo.



Ipinarating namin kay Piolo na sa launching ng Star Magic Catalogue, last Sunday rin, ang sinabi ni KC na huwag daw matulala ang matinee idol kapag nagkaeksena sila, just in case magkaroon nga sila ng project together.



"I know, nabasa ko nga ‘yon," nakangiting sabi ni Piolo. "Ang ganda kasi niya, e. So, sana maraming shows ang pagsasamahan ng ABS-CBN and KC. I just wanna wish her happiness at sana mag-enjoy siya sa ABS-CBN."



PAST WITH POPS. Tinanong din namin si Piolo kung nabasa niya ang sinabi ni Pops Fernandez bilang reaksiyon sa pag-amin niya na nagkaroon sila noon ng relasyon.



Natigilan si Piolo sandali bago nakasagot.



"Hindi ko alam ang sasabihin ko. Because I thought it was just... I thought parang ano, you know, it's an old issue. So I said it in a way na parang ano... parang I don't even know why it was asked," pahayag niya.



Disappointed ba siya na lumabas ulit ang isyu sa kanila ni Pops?



"No, I'm not disappointed," sagot niya. "I'm not just the type of guy who would expose his relationship or, you know, anything about him. So, when it came... Not naman I felt sad. Ang feeling ko naman, it's a closed issue and we've moved on. Pops and I are friends."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sabi ni Pops, short-lived lang naman ang naging relasyon nila noon.



"Yeah, pero sana lang hindi na lang pag-usapan," pakiusap ni Piolo.



Nagkita rin sina Piolo at Martin sa ASAP '07 last Sunday. By that time, lumabas na ang balitang pag-amin niya sa relasyon nila ni Pops. Napag-usapan o nabanggit man lang ba nila sa isa't isa ang tungkol sa kanila ni Pops?



"No, no, we didn't talk about it. ASAP lang talaga. Martin and I are friends," pagtatapos ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN