TJ Trinidad continues to be one of the busiest Kapamilya stars


"I think, I try to work well so that I can give good result. At saka hindi lang ako gumagawa ng lead role. I also do support. Hindi naman kasi strictly pang-leading man role lang ako," explains TJ Trinidad on why he never runs out of projects in ABS-CBN.



After two years, muling makakapareha ng aktor na si TJ Trinidad si Kristne Hermosa sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Prinsesa ng Banyera. Matatandaan na unang nagtambal sina TJ at Kristine sa remake ng Gulong ng Palad sa Kapamilya network.



Ang Prinsesa ng Banyera ang ika-anim na show ni TJ sa ABS-CBN. Napanood na siya dati sa Basta't Kasama Kita, Krystala, Gulong ng Palad, Pedro Penduko, Hiram na Mukha, at Walang Kapalit.



Halos hindi nawawalan ng show si TJ. He's one of the lucky actors sa ABS-CBN na nabibigyan agad ng project one after another. Nagkakataon pa minsan na may shows si TJ na magkakasabay niyang ginagawa. Pero mariing itinanggi ni TJ ang tsismis na may malaking "kapit" siya sa Kapamilya network kaya hindi siya nawawalan ng projects.



"It's because of Tita June [Rufino, his manager]," ang tinukoy ni TJ na dahilan sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kung kaya hindi siya nawawalan ng proyekto sa ABS-CBN.

Dagdag pa niya, "And I think, I try to work well so that I can give good result. At saka hindi lang ako gumagawa ng lead role. I also do support. Hindi naman kasi strictly pang-leading man role lang ako."



Isang jeepney driver ang role ni TJ sa Prinsesa ng Banyera na dapat sana ay kay Rafael Rosell. Sa hindi malamang dahilan ni TJ ay bigla na lang napunta kay Rafael ang role niya and vice versa.



"Mas gusto ko na rin ‘tong role ko ngayon kasi hindi ko pa nagagawa na maging ganyan [jeepney driver]. Gusto ko yung mga ganitong roles kasi nata-try yung versatility ko as an actor.

"Sa lahat ng roles na ginawa ko sa ABS-CBN, gusto ko yung weird scientist sa Hiram na Mukha. Kakaiba ang role ko dun. Gusto ko rin yung sa Gulong ng Palad, it's very challenging din. Actually, kung tatanungin ako kung ano ang top three roles na ginawa ko on TV, it should be yung sa Gulong, Hiram, and itong sa Banyera, in no particular order," lahad ng aktor sa presscon ng Prinsesa ng Banyera kagabi, September 25, sa Taguig City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagte-taping si TJ for Prinsesa ng Banyera every Monday, Wednesday, and Friday. Ang ibang araw ay nakalaan na for shooting. Katatapos lang niyang mag-shoot sa role niya sa Resiklo habang ginagawa niya ang Kulam with Judy Ann Santos and Dennis Trillo.

Balik-shooting din si TJ sa Desperadas dahil nakabalik na mula sa Canada ang ka-partner niya sa movie na si Iza Calzado.

PRIVATE CITIZEN. On his personal life, napaka-private na artista ni TJ. Non-showbiz ang kanyang girlfriend. Para sa kanya, iba raw ang buhay niya kapag on-cam at iba rin pag off-cam. But nonetheless, ibinahagi niya sa PEP kung saan siya nakatira ngayon.

"I'm renting an apartment sa may Ortigas. May one year na din ako doon. Gusto ko siyempre bumili ng lupa. Mas gusto kong bumili ng bahay kasi mas nae-elevate ang appreciation ng bahay at lupa kesa sa condo. I have plans talaga na bumili ng bahay at lupa but not in the near future. Nag-iipon pa ako," pagse-share niya.



What about settling down?

"Not yet," sagot ni TJ. "Hindi pa oras. Hindi ko masabi kung kailan... hirap iplano ang mga ‘yan."

Flattered naman si TJ kapag may nagsasabi na he's one of the sexiest actors in the industry. Nakapag-pose na rin daw siya dati sa isang sexy magazine.

"Nag-topless ako noon. Nahirapan ako noon kaya hindi ko na gagawin. Hindi kasi ako buff. Okay na yung ginawa ko before. Tama na ‘yon."

Ikinuwento ni TJ na nagwo-workout siya, pero hindi para magkaroon lang ng sexy body.

"Nagwo-workout ako for my health. Kailangan talaga, pero hindi naman yung tulad ng iba na regular ang pagpunta sa gym. Hindi ko kakayanin ‘yon!" natatawang sabi ni TJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN