Gay fun continues in the sequel of "Manay Po"


Cherry Pie Picache will return as Luz, the mother of three gay sons, in the sequel of Regal's Manay Po.



One of Regal Films' big hits noong 2005 ang Manay Po starring Cherry Pie Picache, John Prats, Polo Ravales, Luis Alandy, Jiro Manio, Mike Tan, and Christian Vasquez. After three years, nagdesisyon ang Regal Films na ipagpatuloy ang kuwento ng pamilya ni Luz (Cherry) at ang kanyang tatlong baklang anak na sina Oscar (Polo), Orson (John), at Orwell (Jiro) in Manay Po 2: Three Gays and a Baby.

Retained ang halos lahat ng original cast including IC Mendoza, Charles Christiansen, LJ Reyes, and Giselle Sanchez. Isa lang ang mawawala, si Theo Bernardos na gumanap na Robin na puppy love ni Jiro. Retired na kasi from acting ang Star Circle Quest 2 questor at bumalik na sa States para mag-aral.

May bagong mga cast na idadagdag: ang magiging babymaker nina Polo at Luis; ang pagsi-selosan ni Cherry kay Christian; ang bagong crush ni John, ang fag hag friend ni Jiro; at ang teacher crush ni Jiro. Hindi pa final ang casting for the new characters pero may mga pinapalutang na pangalan.

Si Joel Lamangan pa rin ang magdidirek ng part two ng Manay Po. Target date of production on November at early 2008 ito ipapalabas, malamang pre-Valentine ng Regal Films. Ang Manay Po ay post-Mother's Day noong 2005.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN