Diether Ocampo is Claudine Barretto's leading man in her comeback project


Diether Ocampo is supposed to go on a vacation, but his upcoming projects will prevent him from doing so. The hunky actor is slated to do a new TV series with new mom Claudine Barretto (inset, top). Diether also disclosed to PEP that he had kissed and made up with Kristine Hermosa's (inset, bottom) mom.



Kinumpirma ni Diether Ocampo sa launching ng Star Magic Catalogue 2008 ng Star Studio magazine last Sunday, September 23, na siya ang magiging leading man ni Claudine Barretto sa pagbabalik ng aktres sa telebisyon pagkatapos isilang ang first baby nila ni Raymart Santiago na si Rodrigo Santino.



May ideya na ba siya kung ano ang gagawin nilang bagong programa ni Claudine sa ABS-CBN?



"Wala pa akong ibang balita except yung kami nga ni Claudine. Hindi ko rin alam kung sino ang magdidirek," sagot ng hunky actor sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Two years ago na nang huling nagkasama sina Diether at Claudine sa isang proyekto, ang Ikaw Ang Lahat Sa Akin. Si Claudine din ang nakasama ng aktor sa last movie niya na Nasaan Ka Man mula sa Star Cinema.

Plano sana ni Diether na magbakasyon muna pagkatapos ng sunud-sunod na trabaho niya sa ABS-CBN, pero dahil sa mga nakalinya niyang trabaho ay hindi niya ito magagawa.

"Dapat magbabakasyon ako... Pupunta sana ako sa Amerika. For two weeks ako dapat para asikasuhin ko yung magazine business doon.. Pero hindi puwede pag ganung may bagong project. So, hintayin na lang natin."



KIDS PROJECT.
Kadarating lang din ni Diet galing ng Benguet kaya halata sa mukha niya na pagod pa siya nang makausap namin sa launch ng Star Magic Catalogue 2008.

"Kakauwi ko lang kaya pagod-pagod ako. Nagdala kami ng school supplies para doon sa mga bata," sabi niya.

Ito na ba yung pinuntahan ng P500,000 donation ng Star Magic na ibinigay sa kanyang KIDS Foundation during the Grand Ball ng Star Magic last August?

"Isa ‘yon sa nakinabang doon sa dinonate. Tapos marami pa kaming projects na gagawin. Yung nutrition program na ginawa namin para sa mga bata sa lahat ng mahihirap na barangay. Barangay naman, hindi eskuwelahan. Pang-national din ‘yan. Ready na yung program, i-implement na lang," lahad ni Diether.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KRISTINE HERMOSA. Kailan naman kaya haharapin ni Diether ang magkaroon ng anak sa "asawang" si Kristine Hermosa?

"Matagal pa siguro ‘yan," ngiti ni Diet.

Hindi ba siya kinakabahan ngayong mukhang nae-enjoy nang husto ni Kristine ang paglabas-labas niya with her male friends, gaya nina Oyo Boy Sotto at ang non-showbiz guy na si Rajiv?

"Natutuwa nga ako na nag-e-enjoy siya. She's young at dapat naman talaga masaya siya sa ginagawa niya," sabi ng aktor.

Masaya rin si Diether dahil okay na si Kristine and her family. Okay na rin ba si Diet at ang Mommy Mai ni Kristine?

"Oo, okay naman kami," sagot niya.

Nang makausap ng PEP si Kristine sa presscon ng bago niyang teleserye na Prinsesa Banyera ay kinumpirma nga niya na nagbati na si Diet at ang kanyang ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN