Geoff Eigenmann replaces Dingdong Dantes as underwear endorser


Young actor Geoff Eigenmann is the new endorser of Hanford, a brand of underwear that Dingdong Dantes (inset) used to endorse. "I am preparing a lot for this. I work out a lot now, I watch my diet kasi alam ko ang demands ng ine-endorse ko," says Geoff.



Aminado ang young actor na si Geoff Eigenmann na kabado siya nang mag-sign ng kontrata bilang endorser ng Hanford, isang kilalang brand ng underwear.

First time niya raw kasing gagawin ito kaya't hindi maalis ang kabog sa kanyang dibdib.

"I am preparing a lot for this. I work out a lot now, I watch my diet kasi alam ko ang demands ng ine-endorse ko," pahayag ni Geoff sa GMA News and PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dadgag pa niya, "Maganda rin ito kasi I am not so busy at the moment and I believe naman in the product that I am going to endorse kaya okay talaga."

Pinalitan ni Geoff si Dingdong Dantes bilang endorser ng nasabing underwear brand. Matatandaang unti-unti ring "naghubad" si Dingdong sa mga ads sa pag-usad ng panahon.

"I guess it's going to be tame for now, pero eventually I guess it's going to get wilder. They will definitely see a different kind of Geoff Eigenmann," ayon mismo sa pangalawang anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa.

Ngayon, mukha pa lang ni Geoff ang ipinapakita sa mga ads, pero unti-unti raw itong magiging sexy. Handa rin daw ang binata na mag-pose na underwear lang ang kanyang suot.

Ayon naman sa manager nina Geoff at Dingdong na si Perry Lansigan, wala namang namamagitang kumpetisyon sa dalawa niyang alaga. Secure si Dingdong bilang actor at endorser, ganun din naman si Geoff.

"Wala talaga. Kung meron man, healthy competition ‘yon. Pero okay talaga sila," sabi ni Perry.

Hindi naman maiwasang matanong si Geoff tungkol sa balitang niligawan niya na si Nikki Gil. Aminado ang young actor na walang nangyari sa ligawan nila, pero hindi naman nasayang ang lahat.

"Hindi kami puwedeng mag-break kasi we were never really together. It's really good, I mean, Nikki and I turned out to be very good friends and that's really good. Nandito lang naman ako, hindi naman ako mawawala for her. Pero I guess we're better off as friends."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin naman ni Geoff na nakikipag-date siya sa iba ngayon.

"I go out. Mostly non-showbiz. Non-showbiz muna kasi I would like to keep things private for now."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN