"Dennis Trillo is the father of Carlene Aguilar's baby"—PEP source


According to a realiable source, Dennis Trillo plans to reveal that he is the father of rumored girlfriend Carlene Aguilar's baby this weekend. Carlene gave birth to a baby boy last Septemebr 22 in Los Angeles, California.



Lumabas early this week ang balita na nanganak na ang model-beauty queen na si Carlene Aguilar noong September 22 sa Los Angeles, California.

Si Carlene ang rumored girlfriend ng matinee idol na si Dennis Trillo. Magmula nang mapabalita ang relasyon ng dalawa hanggang sa pumutok ang balita na buntis si Carlene, walang pag-amin na narinig mula sa Bb. Pilipinas-World 2006 at maging kay Dennis.

Mid-February this year lumabas ang balita na buntis si Carlene. Nang mag-host siya ng Mr. World Philippines sa Broadway Centrum last February 17 ay tinanong siya ng ilang entertainment press kung totoo ang balitang buntis siya. Namataan kasing namimili ng maternity dress sa isang mall ang beauty queen. Pero tumangging magbigay ng pahayag ni Carlene dahil hindi raw siya artista.

Sa unang pagkakataon na kinunan ng pahayag si Dennis ay mariin nitong pinabulaanan ang napabalitang pagbubuntis ni Carlene. Pero tila nagbago siya ng pahayag sa launching ng kanyang debut album noong March 12. Aniya, "Hindi ko alam. Hindi ko sure. Hindi ko alam, ayoko lang magsalita."

Sa hindi inaasahang pagkakataon noong katapusan ng Mayo ay aksidenteng nakita ng GMA entertainment reporter na si Lhar Santiago si Carlene sa Los Angeles, California. At dito na nga nakumpirma na totoo ngang buntis ang model-beauty queen.

That time ay magsi-six months na ang dinadala ni Carlene. Nang tanungin kung sino ang ama ng kanyang ipinagbuntis, sinabi ni Carlene na hindi si Dennis ang ama nito kundi "isang Chinese businessman."

Nang hingan naman ulit ng komento si Dennis tungkol sa kumpirmadong pagbubuntis ni Carlene ay mariin nitong itinanggi na siya ang ama.

"If it's true that Carlene is pregnant, the baby is not mine," ang eksaktong sagot daw ni Dennis sa source ng PEP na malapit sa kanya.

Pero noong Lunes (Sept. 24), sa column ni Ogie Diaz sa People's Tonight ay sinabi nitong kumalat na sa Internet ang balitang nanganak ng isang malusog na baby boy si Carlene noong September 22 sa isang hospital sa Los Angeles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Ogie, ang nakalagay raw na pangalan sa wrist tag ng sanggol ay "Baby Ho." Ang tunay na pangalan ni Dennis ay Abelardo Dennis Florencio Ho. Half-Filipino, half-Chinese ang matinee idol.

Dahil dito, lalong lumakas ang ugong na si Dennis nga ang ama ng isinilang na sanggol ni Carlene.

Ilang araw ang lumipas pagkatapos lumabas ang balitang panganganak ni Carlene, pero wala pa ring narinig na pahayag mula kay Dennis. Pero kanina, September 27, ay nakapanayam ni Nelson Canlas ng GMA News si Dennis.

"No comment," ang isinagot ni Dennis kay Nelson. Pero sinabi rin ng matinee idol na magsasalita siya tungkol sa panganaganak ni Carlene this week.

Pero ayon sa isang mapagkakatiwalaang source na malapit kay Dennis, na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), totoo ngang magsasalita ang aktor sa isang showbiz talk show ng GMA-7. Dito na rin daw tatapusin ng aktor ang malaking katanungan sa likod ng panganganak ni Carlene.

Ayon sa PEP source, aamin na raw si Dennis na siya nga ang ama ng sanggol na isinilang ni Carlene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN