Sam Milby: "I do have feelings for Anne, I like her."


"She's God-fearing, someone who cheer you up, she's so nice to everyone, she's somebody you can always trust," says Sam Milby about Anne Curtis.



Isa sa naging agaw-eksena sa concert ng Pinoy Big Brother Season 1 housemates noong September 15 sa Araneta Coliseum ay ang naging pahayag ni Sam Milby na kung may susunod mang boyfriend si Anne Curtis, sana ay siya na raw ito.



Marami ang nagtaas ng kilay dahil noon pa man ay hindi na mamatay-matay ang balita na matagal nang may namamagitan kina Anne and Sam. Nabalita pa nga noon ang breakup-daw ng dalawa sa Star Magic Ball.



Sa huling panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Sam, inamin niya ang espesyal na nararamdaman para kay Anne.

"I'll just say it now, I do have feelings for Anne, I like her. She's God-fearing, someone who cheer you up, she's so nice to everyone, she's somebody you can always trust," sabi ni Sam sa dressing room ng ASAP '07 last Sunday, September 23.

Kailan naman kaya manliligaw si Sam kay Anne o nasimulan na niya itong gawin?



"When it is the right time. Mahirap ipaliwang but right now, hindi ko pa nasisimulan," sagot ng heartthrob.



Consistent sina Sam at Anne sa mga sagot nila before that they are good friends, but they are not closing their doors and their friendship may lead to something deeper and more special. Sam believes that friendship is the greatest foundation of a relationship.



"I think it's true," sabi niya. "Some people I know would disagree but for me, friendship is a great start for a relationship. A good friend is someone you can always count on and someone who will always be there for you, no matter what."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN