Mark Bautista promises a spectacular three-in-one concert


Singing heartthrob Mark Bautista will be staging his major concert titled Simply Irresistible on October 13 at the Araneta Coliseum. The concert will be divided in three parts.



Magkahalong nerbiyos at excitement ang nararamdaman ng singer na si Mark Bautista dahil sa nalalapit niyang major concert sa October 13 na pinamagatang Simply Irresistible.

"Medyo magkakasunod kasi kami ng mga kaibigan at mga kasamahan ko," ang pagbabahagi nito sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa grupo ng mga Champions sa ASAP '07 nga naman ay tatlo silang may naka-schedule na solo major concert this October. Mauuna si Christian Bautista on Oct. 6 sa Cuneta Astrodome, si Mark on Oct. 13th at the Aliw Theater, at si Erik Santos sa Araneta Coliseum on Oct. 19.

Kinakabahan din si Mark dahil may isang international group siyang makakasabay on the said date. Iyon din ang ibinigay niyang rason kung bakit hindi niya gagawin ang show sa Big Dome. Mas nauna raw kasing nakapag-book sa Araneta Coliseum ang nasabing international group.

"Kaya huwag naman po sanang malagyan pa ng intriga ang mga venues namin dahil lahat naman kami siyempre, mas gusto sa mas malaking lugar to accommodate our supporters and fans," paliwanag ni Mark.

Kararating lamang ni Mark from his U.S. tour kung saan nakasama niya ang dalawang co-champions niyang sina Sarah Geronimo at Erik Santos.

"Sobrang nagmamadali na po akong makauwi dahil nga sa concert ko. I have to double my time in doing the rounds of promotion at siyempre pa, to prepare for it dahil madaming surprises kaming ibibigay," kuwento ng 26-anyos na singer.

Nasa line-up ni Mark as guests sina Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go, Rufa Mae Quinto, Sitti Navarro, at John "Sweet" Lapus, plus a very special lady guest.

Natawa na lang din ang sexy male singer sa intriga ng PEP sa kanya kung paano niya napapayag sina Rachelle Ann at Rufa Mae, gayong wala ang mga ito sa shows nina Christian at Erik, respectively? Ganun ba talaga siya ka-irresistible?

"Honestly, hindi ko po talaga alam. Nagkataon lang siguro plus bumagay sa kanila yung concept ng show na medyo daring, sexy, at sort of giving tribute sa mga top balladeers ng bansa. Baka nga hindi rin nila ako ma-resist!" natatawang sabi ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MORE DARING. At Mark's age, mas daring ang image na gustong i-project ni Mark. Sa tindi raw kasi ng competition, he is aware of the fact na mas maraming susulpot na magagaling at mas bata kaya habang may mga ganitong opportunities ay sasamantalahin na niya.

Ipinagmamalaki ni Mark na parang three-in-one ang concept ng show niya. First part will be inspired by his days as a band vocalist back in Cagayan de Oro, kaya't expect na raw na puro kantang-pambanda ang babanatan niya, gaya ng "Boogie in Wonderland" at "Kiss."

Part two will feature Mark's versatility as a singer as he tries to prove that he is one good singer who can easily switch from ballad to pop rock to alternative.

"Mga standard songs na may halo na ring ibang genre, gaya nung mga kanta nina Michael Bubble, Harry Connick Jr., at konting bossa nova," sabi ni Mark.

Pop concert naman ang tema ng third and final portion ng show. Mark will sing selected pop hits and will be doing a Heartthrobs Medley as he pays tribute to the music of Ariel Rivera, Chad Borja, Rannie Raymundo, and Gino Padilla.

Sa bawat portion lalabas ang mga special guests niyang nabanggit at ang mga sorpresang pagpapaseksi ni Mark sa kanyang dance acts.

"This is one show na ngayon pa lang ay ipinagmamalaki ko na," hirit ng binata. Writer ng show si Noel Ferrer at direktor naman nito si Monti Parungao, with Soc Mina as musical director.

After his concert, may nakatakdang salihan na teleserye si Mark, pero hindi pa niya ito kinumpirma sa PEP. "Wala pang definite, pero may nagbalita na sa akin," sabi ng still loveless na singer-actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN